• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko, binalaan ng DOH vs imported mpox vaccines

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa isang uri ng imported mpox vaccine na sinasabing available na sa bansa.

 

 

Sa inilabas na health advisory kahapon, sinabi ng DOH na nakarating sa kanilang kaalaman na may organisasyon o mga indibidwal ang nag-aalok ng naturang imported mpox vaccines.

 

 

Kaugnay nito, binalaan naman ng DOH ang publiko na kaduda-duda ang bisa at kaligtasan ng mga ­naturang bakuna dahil ang mga ito ay ipinasok sa bansa nang hindi dumaraan sa kanilang ahensiya at maging sa Food and Drug Administration (FDA).

 

Paliwanag ng DOH, ang mpox vaccines ay nangangailangan ng maayos na storage at handling condition, gaya ng cold chains.

 

 

Kung wala anila ang masusing pagbabantay ng DOH at FDA, walang paraan upang matiyak ang kaligtasan at bisa ng naturang bakuna.

 

Payo pa ng DOH, mas makabubuting mag-avail na lamang ng bakuna laban sa mpox, sa sandaling nasa bansa na ito, upang magkaroon ng tunay, ligtas at epektibong bakuna.

Other News
  • Ads January 21, 2023

  • Consistent top-rating show, kaya extended sa third season: DINGDONG, ibinuking si MARIAN na dalawang linggo bago naka-move on sa sinagot sa ‘Family Feud’

    AMINADONG fan ng sikat na social media influencer na si Zeinab Harake ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.   Kinikilig talaga ito kay Marian.   Aniya, “Meron akong crush sa Beautéderm family. Totoo po, kung ano man ang arte ko ngayon, feeling ko, dito ko masasabi, ‘Ate Yan! Si Ate Yan talaga, Marian […]

  • Mga simbahan, inirekomenda para maging COVID-19 vaccination site

    Ikinokonsidera na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang mga simbahan bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination site.     Ayon kay DOH (Department of Health) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa huling meeting nila ay inirekomenda ng NITAG ang mga simbahan […]