• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Bong, Ai-Ai, Sharon at Aga, ilan lang na wala sa list: NORA at VILMA, pinangunahan ang 16 stars sa ‘pilot mural painting’ ng MMFF

 

INILANTAD na ang mural painting na kinabibilangan ng labing-anim na bituin na nagningning sa limang dekada ng Metro Manila Film Festival.

 

 

Naganap ang pag-alis ng tabing nitong Setyembre 19, 2024, Huwebes, sa dating gusali ng MMDA na matatagpuan sa Orense St. cor. EDSA, Makati City.

 

 

Makikita nga sa Pilot Mural Painting ang dalawang National Artist na sina Fernando Poe Jr. at Nora Aunor, kasama sina Dolphy, Vilma Santos, former Pres.

 

Joseph Estrada, Vice Ganda, Maricel Soriano, Vic Sotto, Eddie Garcia, Gloria Romero, Amy Austria, Christopher de Leon, Cesar Montano, Anthony Alonzo, at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

 

Kaugnay din ito sa “Sine Sigla sa Singkuwenta” kung saan 50 MMFF movies ang ipapalabas sa mga piling sinehan nationwide simula sa Setyembre 25 hanggang Oktubre 15 sa halagang PHP50.

 

Ipinaliwanag naman ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Romando “Don” Artes kung paano nila pinili ang 16 MMFF stars sa naturant mural painting.

 

“Unang-una po, iyan ang mga Hall of Famers natin. Mga aktor doon sa mga pelikula na naging topgrossers,” lahad ni Chairman Artes.

 

“Iyon po yung ating naging criteria. Either awardee po sila as best actor, best actress. Or kahit hindi po sila nagkaroon ng award bilang best actor, best actress.

 

“Yung kanila pong pelikula ay topgrosser po sa MMFF. So, yon po yung naging criteria namin.

 

“Alam niyo po, limampung taon po ang MMFF. Hindi po namin kayang ipinta lahat sa isang mural dahil napakarami po naman na magagaling na aktor, aktres.

 

“Alam ko po, may mga magku-question lalo na iyong mga fans pero pagpasensyahan niyo po, ito po yung napagdesisyunan namin.

 

“I take responsibility for it dahil ako po ang nag-approve. Pero based on that, pinili po namin yung ano lang namin na malaki yung kontribusyon sa MMFF.”

 

Mahigit naman 50 murals ng movie posters ang ipipinta sa kahabaan ng EDSA, at kabilang sa magpipinta ang isang sikat, premyado at fashionistang aktres.

 

Bali-balita na baka si Heart Evangelista-Escudero ang kanilang tinutukoy. Kaya aabangan namin ito sa mga darating na araw.

 

For sure, may magtatanong kung bakit hindi napasama sa pilot mural sina Senator Bong Revilla, Ai-Ai delas Alas, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Aga Muhlach at marami pang iba.

 

Paliwanag pa ni Chairman Artes, “Meron po silang sariling poster. Individual, yung per movie po nila.”

 

Ang mangunguna sa pagpipinta ng mga mural ay sina AG Sano at Sim Tolentino, kasama si Phonsie Castañeda bilang creative director.

 

Dumalo naman sa naganap na launching ng “Sine Sigla sa Singkuwenta” sina National Artist Ricky Lee, MOWELFUND chairman Boots Anson Roa-Rodrigo, MMFF executive director Atty. Rochelle Ona, Joel Saracho, Direk Paolo Villaluna, Direk Marlon Rivera, Direk Richard Somes, Dan Morales, at iAcademy CEO Raquel Wong.

 

***

 

NARITO naman ang complete list ng 50 MMFF movies sa “Sine Sigla sa Singkwenta”:

 

Mano Po, Jose Rizal, Crying Ladies, Ang Panday (1980), Big Night, Ang Tanging Ina Mo, Minsa’y Isang Gamu-Gamo, Langis at Tubig, Blue Moon, Ang Panday (2009), Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?, Walang Forever, Bulaklak ng Maynila, Moral, Himala, Captain Barbell (1986), Kung Mangarap Ka’t Magising, Ang Alamat ng Lawin, Ang Larawan, Shake, Rattle, and Roll II, Atsay, Mga Bilanggong Birhen, Kung Mawawala Ka Pa, Die Beautiful, Agila ng Maynila, Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, May Minamahal, Sunday Beauty Queen, Magic Temple, Ang Babae sa Septic Tank 2, Brutal, Markova, Miracle in Cell No. 7, Shake, Rattle, and Roll 1, Darna (1991), Bad Bananas sa Puting Tabing, Karnal, Tanging Yaman, Firefly, Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Karma, One More Try, Imortal, Kasal, Kasali, Kasalo, Okay Ka Fairy Ko, Yamashita: The Tiger’s Treasure, Gandarrapido Revenger Squad, Feng Shui II, Rainbow Sunset
Inamin din ni Atty. Artes na nanghihinayang sila na hindi na available kopya ng Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa, na balitang nasira dahil sa baha na dala ng bagyo.

 

Ang pelikulang ito na nagwagi sa kauna-unahang MMFF noong Setyembre 1975 ng anim na awards, na pinanbidahan nina Joseph Estrada at Gloria Diaz.

 

Nakamit nito ang tropeyo ng Dangal ng Bagong Lipunan, best director (Augusto Buenaventura), best actor (Joseph Estrada), best supporting actor (Vic Silayan), best editing (Edgardo Vinarao), at best sound (Manuel Daves).

 

Mapapanood ito sa mga sinehan ng SM Cinema, Robinsons Movie World, Ayala Malls Cinema, Megaworld Cinemas, Gateway Cineplex 18, Fisher Box Office, Shangri-La Plaza Cinema, Red Carpet Cinema, at Vista Cinema, sa halagang P50 simula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15, 2024.

 

Kaya sugod na sa mga sinehan at balıkan ang pelikulang naging bahagi na na buhay ng mga Pilipino.

 

Hopefully, ma-enjoy ito ng mananood lalo na ang mga kabataan, na karamihan ay wala pa sa mundo nang ito’y pinalabas.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PSC nagpaumanhin sa pamilyang Eala

    KLINARO ng Philippine Sports Commission, (PSC) na nagka-misinformation sa P3M na pinansiyal na suporta para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala, kaya nagpa-erratum sa official Facebook page ang government sports agency nitong Linggo upang maitama ang kamalian.   Erratum: “PSC would like to correct previous posting made today of a P3-Mi assistance for Alex […]

  • ROBBIE AMELL PLAYS CHRIS REDFIELD IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    RACCOON City’s small-town all-American hero Chris Redfield is played by Robbie Amell (Upload, The Tomorrow People, TV’s The Flash) in the new action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).   [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       In the film, Claire is the stranger who goes back to her childhood […]

  • Dahil tumutulong ang anak at ‘di nanloloko: VILMA, naging emosyonal nang matanong sa pinagdaraanan ni LUIS

    ISANG dakilang ina kaya hindi maaaring hindi ipagtanggol ni Ms. Vilma Santos ang kanyang anak na si Luis Manzano na nasasangkot ngayon sa isang kontrobersiya sa negosyo.     Kaya naman naging emosyonal si Ate Vi sa pagtatanggol kay Luis tungkol sa mga nagrereklamong nagpasok ng puhunan sa Flex Fuel Petroleum Corporation.     Naganap […]