PBBM, hinikayat ang mga manggagawa ng gobyerno na manatiling ‘transparent, accountable’
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawa ng gobyerno na panatilihin ang ‘transparency, accountability, at integridad’ sa pagsisilbi sa mga tao.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa pagbibigay parangal sa mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers sa Palasyo ng Malakanyang.
“So, let us remember that the impact of our work does not lie in the recognition that we receive or the laurels that we are given. It lies in the hearts that we have touched, the communities that we have reached, and the lives that we have changed,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Let us continue to live by our constitutional mandate that public office is a public trust. We should remain transparent, accountable to all our people and to serve them with integrity, loyalty, and efficiency,” dagdag na wika nito.
Binanggit naman ni Pangulong Marcos ang ilang inisyatiba sa mga awardees kabilang na ang transpormasyon ng 15-hectare na abandonadong palaisdaan na naging isang ecopark at ang probisyon ng competitive healthcare sa mga taong napagkaitan ng kalayaan.
“Ganyan naman kasi ang ugali ng Pinoy. Talagang alam mo ‘yung sinasabi, akala natin kung minsan dahil hindi naman masyadong nababanggit at napakakumplikado na ng buhay ay ‘yung sinasabi, ang tanging katangian ng Pilipino ay ‘yung nagbabayanihan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“And that is where we need leaders such as these awardees to lead the way and to inspire people, to come and to do this work,” dagdag na wika ng Chief Executive.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na kinikilala ng Pangulo kasama ang Civil Service Commission (CSC) ang mga awardees para sa kanilang ‘outstanding performance at extraordinary service.’
“the awardees contributed to the attainment of efficiency, economy and improvement of government operations,.” ayon sa PCO.
Samantala, kabilang sa award categories ay ang Presidential Lingkod Bayan, Outstanding Public Official and Employee Award or Dangal ng Bayan, at ang CSC Pagasa Award.
“The ceremony is the culmination of the 124th Philippine Civil Service Anniversary which is celebrated every September,” ayon sa PCO. (Daris Jose)
-
Kaya madaling nakatatawid sa ‘Pulang Araw’ at ‘Green Bones’: DENNIS, inaming ’special skills’ ang makapag-switch off agad sa bawat role
EXCITED na rin kaming mapanood sa Araw ng Pasko ang “Green Bones” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, na mukhang lalaban din ng Best Film, base na napakagandang trailer na talaga namang pinalakpakan. Isa nga ito sa 10 official entry sa ika-50 edition ng Metro Manila Film Festival na mula sa […]
-
Ads October 28, 2024
-
NTC, inatasan ang mga telcos na balaan ang publiko sa text scam
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies na magpadala ng text blast sa kanilang subscribers para balaan tungkol sa text spam o umano’y mga text messages na naglalaman ng mga alok na trabaho. Sa gitna ito ng mga ulat na kalat na kalat na ang mga ganitong SMS messages. […]