Speaker Romualdez, Tingog itinulak agarang pagbibigay ng P20M ayuda sa mga nasunugan sa Tondo
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Partylist ang agarang pagpapalabas ng P20 milyong halaga ng cash assistance para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Barangay 105 Aroma sa Tondo, Manila noong Sabado.
Ang tig-P10,000 tulong sa bawat pamilyang nasunugan ay kukunin sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod sa cash assistance, nakipagtulungan din ang tanggapan ni Romualdez sa Tingog Partylist na pinangungunahan nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre para sa pamimigay ng mainit na pagkain sa mga biktima noong Linggo.
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada Jr., sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. ay nakapamigay ng 4,500 bowl ng lugaw at arroz caldo sa General Vicente Lim Elementary School evacuation center, Barangay 105 at Barangay 106 covered courts.
Nagpasalamat naman si Dionisio kina Pangulong Marcos, Speaker Romualdez at DSWD Secretary Gatchalian sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugan.
Umaasa si Gabonada na mabilis na makababangon ang mga biktima ng sunog. (Vina de Guzman)
-
Isang araw matapos ilibing si Father Remy… MOTHER LILY, pumanaw na rin sa edad 84
PUMANAW na ang kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde isang araw lamang matapos ilibing ang asawang si Leonardo “Father Remy” Monteverde. Si Mother Lily ay 84 years old. Kinumpirma ito ng anak niya na si Goldwin Monteverde sa ulat ng GMA. Mag-i-85 na sana si Mother Lily […]
-
Isyu vs kandidato na ‘di sumisipot sa debate, tatalakayin sa en banc session – COMELEC
NAKATAKDANG talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na en banc meeting sa Miyerkules kung paano nito tutugunan ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang kandidato sa mga debate na kanilang inorganisa. Sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga mamamahayag pagkatapos ng unang vice presidential leg ng PiliPinas Debates 2022 kagabi, […]
-
OPISYALES SA ‘pastillas modus’, sibak kay digong
SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme ilang libong piso. Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabe at […]