• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas bonuses, free legal aid para sa mga barangay tanod

IPINANUKALA ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagbibigay ng Christmas bonuses at iba pang insentibo sa mga barangay tanods.

 

Ito ay bilang pagkilala sa ibinibigay na serbisyo para sa pagmementina ng peace and order sa komunidad.

 

Sa House Bill (HB) 10909, kabilang sa benepisyo na ilalaan sa mga barangay tanods ay ang libreng legal assistance at insurance coverage.

Gayundin, ang pagsama sa kanila sa livelihood programs ng national government o local government units (LGUs).

“Maraming barangay tanod ay nalalagay sa panganib ang buhay at minsan pa nga ay napapatay dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Sa kabila nito, tila ba napabayaan na ang kanilang kapakanan sa ilalim ng ating mga kasalukuyang batas kung saan kakarampot ang kanilang mga benepisyo. Layunin nating mai-upgrade ang kanilang benefits para naman may sapat silang proteksyon laban sa mga posibleng panganib na maari nilang makaharap,” ani Yamsuan.

Sa ilalim ng HB 10909, ang bawat kuwalipikadong tanod ay entitled sa Christmas bonus na katumbas sa kalahati sa tinatanggap ng punong barangay.

Poprotektahan din ng HB 10909 tenure ng barangay tanod kung saan kapag na-appoint ay hindi basta matatanggal serbisyo maliban sa mga dahilan na nakapaloob sa barangay resolution na nagbuo sa barangay tanod brigade.

Sa ilalim ng panukala, ang desisyon sa pagtanggal sa barangay tanod ay depende sa desisyon ng sangguniang barangay. (Vina de Guzman)

Other News
  • Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM

    KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.     Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.     “We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our […]

  • San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone

    SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup.     Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June […]

  • Canada inaprubahan ang paggamit ng Novavax COVID-19 para sa mga taong may edad 18 pataas

    INAPRUBAHAN ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas.     Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa.     Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa.     Gumagamit kasi […]