• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mabilog ibinunyag planong akusahan sina Roxas, Drilon na sangkot sa illegal drugs sa Duterte admin

IBINUNYAG ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa House Quad Committee ang planong akusahan na sangkot sa iligal na droga sina dating senators Mar Roxas at Franklin Drilon nuong panahon ng Duterte administration.

 

 

Matapos ang pitong taon na self-imposed exile sa Amerika, tumestigo kaugnay sa kaniyang kinaharap na political pressure matapos mapa bilang sa narco list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Tinanong kasi ni Rep. Joseph Stephen Paduano si Mabilog kung maari nitong tukuyin ang mga opisyal na pinapasangkot sa iligal na droga.

 

Sinagot ni Mabilog na ito ay sina Roxas at Drilon.

 

 

Naniniwala naman si Mabilog na pulitika ang dahilan kung bakit siya napabilang sa narco list o hit list.

 

 

Mariing itinanggi ni Mabiloh na sangkot siya sa illegal drug trade at kailanman hindi siya protektor ng illegal drugs. (Daris Jose)

Other News
  • 3 kulong sa P340K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction […]

  • Barrios guest of honor sa PBAPC Awards Night

    SI DATING PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios ang magiging guest of honor at keynote speaker sa 30th PBA Press Corps Annual Awards Night sa Setyembre 24 sa Novotel Manila.     Muling makakasama ni Barrios ang kanyang PBA family sa nasabing two-hour, formal gathering kung saan pararangalan ang mga top achievers ng Season 48.   […]

  • Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan

    NIRATIPIKAHAN  ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic.       Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang […]