• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P238K shabu nasamsam sa drug suspect sa Valenzuela

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Gie, 57, ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng suspek ng shabu.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-6:15 ng umaga sa Liwayway St. Brgy. Marulas, matapos umanong bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap ba buyer.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang apat plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000, buy bust money na isang P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.

 

 

Ani P/MSg. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinoy athletes na nasa US pahinga muna matapos maantala ang qualifying games

    Magpapahinga muna ang mga Filipino athletes na nagsasanay sa US para sa 2021 Tokyo Olympics.   Ito ay dahil sa iniurong sa susunod na taon ang mga qualifying games para sa Olympics sa susunod na taon.   Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) head Philip Juico, kinabibilangan nina pole-vaulter Natalie Uy, shot-putter […]

  • NANUMPA sa kanilang katungkulan

    NANUMPA sa kanilang katungkulan ang mga bagong halal na opisyal sa 18 barangay sa Navotas City. Ang mass oathtaking ay binuksan ng isang misa na sinaksihan nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, mga konsehal, at mga department head ng mga tanggapan ng pamahalaang lungsod. (Richard Mesa)

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 9) Story by Geraldine Monzon

    May nakarating kay Bernard na konting pag-asa kaugnay sa kanyang mag-ina kaya halos lumutang ang mga paa niya sa pagmamadali para mapuntahan ang mga ito. Subalit nang sakay na siya ng taxi patungo sa address na ibinigay ni SPO2 Marcelo ay nadaanan niya si Cecilia sa kalsada na biglang hinimatay kaya’t pinahinto niya ang sasakyan. […]