• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sharpshooter guard Evan Fournier, aalis na sa NBA matapos ang 12 season

AALIS na si Evan Fournier sa National Basketball Association(NBA) matapos ang 12 season na paglalaro.

 

 

Sa kasalukuyan ay isang unrestricted free agent si Fournier matapos niyang tanggihan ang alok sa kanya ng Detroit Pistons na $19 million contract para sa 2024-2025 season.

 

 

Noong Pebrero 2024, napunta siya sa Detroit bilang bahagi ng Bojan Bogdanovic deal ngunit pinili nitong pasukin ang free agency.

 

 

Batay sa opisyal na report ng NBA, maglalaro na si Fournier sa Greek powerhouse team na Olympiacos. Una na ring pumirma ng kontrata ang batikang NBA player sa naturang koponan na nagkakahalaga ng $4 million para sa dalawang taon.

 

Sa mga unang season niya sa NBA, nagawa niyang mag-average ng career-high na 18.5 points per game ngunit matapos siyang mapasama sa ilang trade deal ay dahan-dahan ding bumaba ang kanyang naipapasok na points per game.

 

 

Siya ay bahagi ng NBA draft 2012 at pinili ng Denver Nuggets bilang first-round pick. Hindi naman siya nagtagal sa Nuggets at napunta sa Orlando Magic kung saan niya ginugol ang ilang taon.

 

 

Mula sa Orlando, napunta siya sa Boston Celtics ngunit kinalaunan ay tuluyan ding na-trade sa New York Knicks.

 

 

Habang nasa Knicks, nagawa niyang itala ang franchise record para sa pinakamaraming 3-pointer sa isang seaon – 241.

 

 

Nitong nakalipas na 2024 Olympics, naging bahagi si Fournier ng French basketball team at nag-ambag siya ng 9.8 ppg at 2.2 apg.

Other News
  • Jordan napiling magbigay ng Hall of Fame award kay Bryant

    Napili si NBA legend Michael Jordan na maghandog ng Basketball Hall of Fame award sa yumaong si Kobe Bryant sa susunod na buwan.     Kabilang kasi ang dating Los Angeles Lakers star sa gagawaran Hall of Fame class of 2020 kasama sina Tim Duncan at Kevin Garnett sa darating na Mayo 15.     […]

  • PH Navy warships, sa WPS hindi na kailangan -PBBM

    “WE are not at war.”     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang pagtiyak na hindi kinakailangang mag-deploy ang Pilipinas ng Navy warships sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang naging pag-atake ng China kamakailan.     Ani Pangulong Marcos “We don’t need Navy warships. All we are doing is resupplying our […]

  • Ads February 10, 2022