• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025

INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025.

 

 

Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD sa Aguado Residence sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Speaker mananatili ang Lakas-CMD bilang maasahang katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga patakaran at reporma para sa kabutihan ng bawat Pilipino.

 

Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng kanyang partido na maghanda para sa halalan sa 2025 na may bagong pananaw at layunin.

 

 

Sinabi pa ng lider ng Kamara na siya at ang kanyang mga kasamahan sa partido ay pinagkatiwalaan ng sagradong tungkulin na maging pundasyon ng pananaw ng administrasyon para sa mas maliwanag na hinaharap.

 

 

Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na matagal nang napatunayan na ang Lakas-CMD ay mahalaga at maaasahang katuwang sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtutulungan upang bumuo ng isang ‘Bagong Pilipinas’—isang bayan na nakaugat sa progreso, pagkakapantay-pantay, at katatagan.”

 

 

Binigyan diin ng lider ng Mababang Kapulungan ang kahalagahan ng tiwala at pagkakaisa ng kanyang partido habang papalapit ang halalan, na sa kabila ng hamon ay gagawin ito nang may tiwala sa pinagsamang lakas, pagkakaisa, at dedikasyon sa mga Pilipino.

 

 

Ang Lakas-CMD ay mayroong 4,000 miyembro na kinabibilangan 106 ng kongresista, 15 gobernador, 15 bise-gobernador, 124 miyembro ng provincial board, 18 alkalde at 19 bise-alkalde ng lungsod, 105 konsehal ng lungsod, 332 alkalde ng bayan, 199 bise-alkalde ng bayan, at 1,294 konsehal ng bayan. (Daris Jose)

Other News
  • Titulong ‘Love Team Superstars’, patatatagin: MAVY, in love na dahil kay KYLINE na tinawag siyang ‘my protector’

    KASUNOD ng tagumpay ng “LUV IS: Caught In His Arms,” narito ang pangalawang collaboration project ng GMA Network at Wattpad WEBTOON Studios na pinamagatang “LUV IS: Love at First Read.” Ang Sparkle stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay nakatakdang patatagin ang kanilang titulo bilang Love Team Superstars habang ginagampanan nila ang mga […]

  • PBBM, unang head of state na bibisita sa China sa 2023

    SI Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang unang world leader na nakatakdang bumisita sa China sa  2023.       Sa idinaos na Foreign Ministry press conference ng China, sinabi ni spokesperson Wang Wenbin na  “Marcos will be the first foreign head of state China will receive in the new year.”       “This […]

  • 5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023

    INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon.     Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan.     […]