Navotas, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas.
Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga Navoteño na hindi lamang makiisa sa paglilinis tuwing mayroong espesyal na okasyon, kundi gawing habit ang pagsasagawa ng cleanup drives at pag-segregate ng basura sa bahay pa lamang.
Aniya, layon ng paggunita sa ICC na mabawasan ang mga basurang nauuwi sa mga karagatan at nakakasama hindi lang sa kalikasan kundi nakakaapekto rin sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan.
Sinabi pa niya na pamamagitan ng pakikiisa ng mga volunteer, makakuha rin ng sapat na datos tungkol sa mga uri ng basurang nakakalap sa pagsasagawa ng aktibidad.
Kabilang sa mga nakiisa sa ICC ang mga tauhan ng Navotas Police, Navotas-BJMP, Navotas-BFP, Northern NCR Maritime Police, Coast Guard, mga guro, mga estudyante at mga volunteer. (Richard Mesa)
-
Nagsimula na ang workshop para sa kanilang movie: SHARON at ALDEN, tuloy na ang pagtatambal at gaganap na mag-ina
TULOY na tuloy na ang first time na pagtatambal nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Si Sharon ang nag-post sa kanyang Facebook at Instagram ng: “My new movie is under Cineko Productions and Direk @directfromncn with a script by Mel del Rosario – co-starring my new movie son, the […]
-
Ads August 24, 2024
-
Kenyan runner Ruth Chepngetic nagtala ng world record
NAGTALA ng world record si Kenyan runner Ruth Chepngetic. Naganap ito sa women’s marathon sa Chicago kung saan nakumpleto nito ang course sa loob ng 2:09:56 na siyang unang babae na nakagawa ng 2:10 barrier. Nahigitan nito ang dating record na 2:11:53 na naitala ni Tigist Assefa ng Ethiopia noong Setyembre […]