• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

New version na ng ‘Face to Face’ ang mapapanood: KORINA, ‘di pumayag na maging tagasalo ng iniwang programa ni KARLA

TULOY na tuloy na ang premyadong broadcaster na si Korina Sanchez sa programang “Face to Face” at niya si Karla Estrada.

 

Iba na rin daw ang co-host ni Korina, si KaladKaren na.

 

Ayon pa sa nakausap ay parang naunahan lang daw ni Karla ang management dahil nakaplano na raw talaga na mag-reformat ang programa at kasama sa papalitan ang mga host.

 

Katuwiran pa ng source naman ay hindi raw talaga umangat ang “Face to Face” mula nang umere ito.

 

Kaya tuloy na ang pag-take over ni Korina sa programa ng TV5. Kahit sinasabing si Korina na nga ang host ng “Face to Face” pero it’s new version na sa pagpasok ng magaling na host.

 

Hindi raw pumayag ang asawa ni Mar Roxas na basta na lang maging tagasalo ni Karla, na kaya umalis sa programa dahil sa ambisyon at kakandidatong Mayor ng Sta. Rita, Samar, huh!
Naka-plano na raw lahat ng mga gagawin ni Karla hanggang sa 2025.

 

Noong nakaraang local elections ay pang 3rd nominee si Karla ng Tingog Partylist pero hindi nga pinalad maupo ang nanay ni Daniel Padilla.

 

Pero binigyan naman ang aktres at TV host ng posisyon sa office ni House Speaker Martin Romualdez.

 

***

 

ILANG araw na lang ay magpapa-file na ng kanilang COC ang lahat ng mga lalahok sa local elections.

 

Habang papalapit ito ay mukhang mas nagkakainitan ang mahigpit na magkakalaban for Manila mayoral candidates na sina Isko Moreno at incumbent Mayor Honey Lacuna.

 

Kung dati ay nasa minority ang kampo ni Isko ay mukhang makukuha nila Ang majority.

 

Lumipat kasi mula sa grupo ni Mayora ang kapatid ni Vice Mayor Yul Servo sa partido ni Isko.

 

So, isang kunsehal na lang ang lilipat tiyak majority na ang grupo ni Isko.

 

Ang nakalulungkot lang, may feelers daw na maaring tatalon na rin sa partido ni Yorme si Vice Mayor Yul.

 

Kung magkatotoo anong posisyon ang tatakbuhan ni Yul?

 

Hindi pwedeng bise alkalde dahil naka-posisyon na si Chi Atienza na lalong lumalakas sa survey.

 

Hindi na rin pwedeng balik-Congressman dahil ang kapatid na Apple Nieto ang inilagay ni Yorme, huh!

 

 

Ang gulo di ba?

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Presyo ng petrolyo sisipa sa higit P3

    POSIBLENG  sumipa sa mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang aabot ng hanggang P3.50 sa gasolina.     Ang inaasahang fuel prices ay dulot umano ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.     Batay sa pagtaya, aabutin ang taas sa diesel mula P3.80 hanggang P4.10 kada litro, sa […]

  • May delayed telecast sa ALLTV: Gabi ng Parangal ng ‘The 7th EDDYS’, tuloy na tuloy sa July 7

    MAS maningning at kaabang-abang ang awards night ng ‘The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024.   Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Pasay City.   Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na […]

  • Ads April 26, 2024