• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakasangkot ng dating PNP chief sa pagtakas ni Guo isa lamang umanong tsismis – CIDG

ITINUTURING  na isa lamang tsismis umano ang impormasyon na isang dating PNP chief ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na tumakas sa bansa.
Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group chief PMGen. Leo Francisco, na kaniyang nakausap si Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Raul Villanueva at sinabing wala itong matibay na ebedensiya.
Una isinawalat ni Villanueva, na bilang retiradong sundalo, sa senado na mayroong dating PNP chief ang tumatanggap din ng payola kay Guo.
Dahil sa pagsisiwalat ni Villanueva ay ititigil na ng PNP ang kanilang imbestigasyon para tukuyin kung sino ang sinasabing dating PNP chief. (Daris Jose)
Other News
  • Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs

    NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol.     Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa […]

  • Solidarity trial sa COVID-19 vaccine, inuurong sa Disyembre

    INIURONG sa Disyembre ng Department of Health (DOH),ang solidarity trial ng COVID19- vaccine sa Disyembre, 2020.   Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na unang nagpahayag na sa Nobyembre isasagawa ang solidarity trial sa mga vaccine.   Nalaman na tinanggal rin sa clinical trial ang Interferon, habang patuloy na gagamitin ang […]

  • DOTr: 61.60% completed ang LRT 1 Cavite Extension

    PINAGBIGAY alam ng Department of Transportation (DOTr) na may 61.60 % overall ng kumpleto ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension.     Natapos na ang paglalagay at pagtatayo ng viaduct para sa Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension na siyang magpapatunay na malapit ng mangyari ang pagsasakatuparan ng pangarap para […]