• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga maliliit o sanggol pa nilang anak.

 

Layon nito na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng pertussis, polio, at tigdas.

 

Sa isang vlog, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng ‘affordable at accessible healthcare services’ sa mga Filipino lalo na sa mga bata.

 

Sinabi pa ng Pangulo na naglunsad ang Department of Health (DOH) ng isang vaccination drive, target na bakunahan ang mga bata sa kanilang unang 12 buwan.

 

“Tulungan niyo kami…kasi minsan ‘yung iba ayaw magpabakuna dahil natatakot sila baka hindi maganda ang bakuna, baka mas lalong masaktan ang bata. Hindi po. Lahat itong binibigay naming bakuna, tested po ito at ilang taon na ginagamit ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Kung meron kayong mga sanggol o maliliit na bata, dalhin niyo po. Meron na tayong vaccination program at ang pinakauna talaga na tinutulungan natin ay ‘yung first 12 months ng bata,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, layon ng DOH na kompletuhin na mabakunahan ang 95% mga batang Filipino laban sa vaccine-preventable diseases.

 

Sa nakalipas na taon, nagpakita ang immunization campaign ng gobyerno ng ‘improvement’, kung saan, sa wakas ay nakalabas na ang Pilipinas sa listahan ng ‘top 20 countries’ na may ‘most “zero-dose” children.’

 

Ang pakahulugan kasi ng World Health Organization (WHO) sa “zero-dose” na mga bata ay iyong hindi kailanman nabakunahana ang mga bata ng kahit na anumang bakuna, iyong “lack access to or are never reached by routine immunization services.”

 

Samantala, ang batang ganap na nabakunahan ay iyong nakatanggap ng isang dose ng bacille Calmette-Guérin (BCG) vaccine para sa tuberculosis; tatlong dose ng oral polio vaccine (OPV); tatlong dose ng diphtheria, tetanus, pertussis, Hib, at Hepatitis B (pentavalent) vaccine; at dalawang dose ng measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine.

 

Nakatakda namang ikasa ng DOH ang isang ‘nationwide school vaccination progrem” na tinawag na “Bakuna-Eskwela” sa darating na Oktubre 7, pinalawig nito ang National Immunization Program (NIP).

 

Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa, lubos na suportado ni Pangulong Marcos ang NIP dahil nadagdagan ang budget nito at naging P2.3 billion para pondohan ang ‘vaccine acquisition at administration’ sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Mga dating manlalaro at staff ng Alaska Aces nalungkot sa pag-alis ng koponan sa PBA

    NAGPAHAYAG ng kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).     Sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.       […]

  • ‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas

    MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS).     “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]

  • Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM

    WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.   Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang  makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance.   “Yes now, prominent are the […]