Anthony Joshua pinabagsak ni Dubois sa Heavyweight match
- Published on September 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINABAGSAK ni Daneil Dubois sa loob ng ikalimang round ang kapwa British boxer na si Anthony Joshua.
Dahil dito ay pinatunayan ni Dubois na hindi siya maituturing na accidental heavyweight boxer sa laban na ginanap sa Wembley Stadium.
Noong nakaraang tatlong buwan kasi ay nakuha nito ang IBF belt na binakante ni Oleksandr Usyk.
Tatlong beses na pinabagsak ng 27-anyos na si Dubois si Joshua na una, ikatlo at sa huli ay 59 segundo bago matapos ang ikalimang round.
Dahil sa pagbagsak ay nagpasya ang corner ni Joshua na magtapon na ng towel bilang senyales na sumusuko na sila.
Malaki na rin ang tsansa ni Dubois na sumali sa listahan ng mga boksingero na lalaban sa sinumang manalo sa pagitan nina WBA, WBC and WBO champion Usyk at Tyson Fury sa darating na Disyembre 21.
Inamin ni Joshua na marami siyang mga pagkakamali na nagawa bukod pa sa mas bata ang nakalaban.
Mayroon ng 22 panalo , dalawang talo na may 21 knockouts si Dubois habang si Joshua ay mayroong 28 panalo at apat na talo.
-
Kababaihan sa Afghanistan nagprotesta para mabuksan na ang mga paaralan
NAGSAGAWA ng kilos protesta ang ilang kababaihan sa harap ng Ministry of Education sa Afghanistan. Nananawagan ang mga ito sa muling pagbubukas ng secondary schools para sa mga kababaihan. Umani kasi ng batikos ang biglang pagbawi ng Taliban sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa mga kababaihan. Sinabi […]
-
CHRISTIAN, aware na maraming dating Kapuso na hindi na ni-renew ang kontrata kaya very grateful sa GMA
MULING pumirma ng network contract si Christian Bautista sa GMA-7 noong June 24. Siyempre, masaya si Christian na tuloy-tuloy pa rin ang tiwala at suporta sa kanya ng network. Aware si Christian na unlike him, marami rin dating Kapuso na hindi na ni-renew ng Kapuso network. Pero sabi nga ni Christian, kaibigan […]
-
Pangako ng DepEd, lagyan ng ‘pananggalang” ang batas na magbabalik sa mandatory ROTC
NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na makikipagtulungan sa Kongreso na hindi mangyayari ang bullying sakali at maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, suportado ng departamento ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buhayin ang programa subalit nilinaw na ang gagawing pagbabalik sa ROTC […]