Alegasyon ni dating DepEd Usec. Mercado, pinalagan ni VP Sara
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
PINALAGAN at sinagot na ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon sa kanya ni dating DEPED Undersecretary Doctor Gloria Jumamil-Mercado.
Sa press briefing sa Office of the Vice President (OVP), mariing itinanggi ni VP Sara ang mga alegasyon ni Mercado at tinukoy ang iba’t ibang bersyon kung bakit pinalayas ito sa DepEd.
Ibinunyag ni VP Sara na ginamit ng dating opisyal ang pangalan niya nang walang authorization para lamang mag-solicit ng P16,000,000 mula sa isang kumpanya.
“She is a disgruntled former employee of the Department of Education. She was let go because of a loss of trust of the Office of the Secretary,” ayon kay VP Sara.
Matapos ang press briefing, inilabas ng tanggapan ni VP Sara ang “unauthorized” solicitation letter na sinasabing ginamit ni Mercado.
Sinabi pa ni VP Sara na nagdala si Mercado ng isang teaching staff member mula sa Region VII para magsilbi bilang kanyang executive assistant sa Central Office.
Umapela rin aniya si Mercado sa kanya na payagan siya na mag- early retirement sa halip na harapin ang terminasyon.
“Puwede ba mag-retirement na lang ako kaysa paalisin ninyo ako?” ang sinabi ni VP Sara, inalala ang kanilang naging pag-uusap ni Mercado.
Sa ulat, sinabi ni Mercado na nakatanggap siya ng limang sobre, na naglalaman ng P50,000 bawat isa noong nakaraang taon.
Mariing pinabulaanan ito ni VP Sara. hinamon niya si Mercado na malabas ng pruweba na magpapatotoo sa kanyang alegasyon. Nang malaman ni Mercado ang bagay na ito, habang nakasalang sa ginagawang pagsisiyasat ng Kongreso, ipinakita ni Mercado ang mga envelopes na kanyang natanggap mula kay VP Sara.
Sa pangalawang araw ng congressional probe, hindi lamang hinimay kung paano ginastos ni VP Sara ang pondo ng OVP kundi kung paano niya ginampanan ang kanyang papel bilang Kalihim ng DepEd.
Makailang ulit namang iginiit ni VP Sara na hindi niya ginamit sa maling paraan ang public funds.
Nauna rito, sa ulat, isiniwalat ni dating Education undersecretary Gloria Mercado sa pagdinig sa Kamara de Representantes na namumudmod umano ng pera sa ilang opisyal ng kagawaran na aabot sa P50,000 kada buwan si VP Sara.
Sa pagdinig ng komite sa Kamara tungkol sa paggamit ng pondo ng OVP, sinabi ni Mercado, dating pinuno ng Procuring Entity (HoPE) sa DepEd, na nangyari ang pamimigay umano ng pera ni Duterte sa mga undersecretaries at assistant secretaries na nasa envelope noong 2023.
Naging kalihim ng DepEd si Duterte mula July 2022 hanggang sa magbitiw siya sa puwesto noong July 2024.
“Between February 2023 to September 2023, I received a total of nine envelopes labelled HoPE, my concurrent position in DepEd during that time. These envelopes were handed to me monthly by Assistant Secretary Sunshine Fajarda which she says came directly from the office of Vice President Sara Duterte,” ayon kay Mercado.
“Galing kay VP [Sara], is what she would typically say as she hands the envelopes. It would appear that I received these envelopes by virtue of my office as HoPE. Atty. Sunshine Fajarda is the wife of Edward D. Fajarda who is the Special Disbursement Officer,” patuloy niya.
Sinabi rin ni Mercado na nagtanong umano si Fajarda tungkol sa bank accounts ng ilang tao.
“My office confirmed that it was upon the instruction of the Office of the Secretary. Evidently, it would appear that regional directors and other employees on the field would also receive sums on top of their regular salaries,” dagdag niya.
Ayon kay Mercado, pinagbibitiw siya noon sa kanyang puwesto ni Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Duterte at undersecretary sa Office of the Vice President, nang tutulan niya ang umano’y negotiated procurement para sa DepEd Computerization Program.
“I was informed that I should tender my resignation effective that day. I refused to resign and insisted on departing from the service through voluntary retirement,” pahayag niya Mercado.
Ayaw naman sabihin ni Mercado na panunuhol ang intensyon sa ibinibigay na pera umano na galing sa opisina ni Duterte sa OVP.
“Uhm, it’s kind of a harsh word to use…[the word] bribe,” tugon ni Mercado sa tanong ni Batangas Representative Gerville Luistro.
“Is it meant to influence your decision being the HoPE?,” sabi pa ng kongresista.
“It could be,” sabi naman ng dating opisyal ng DepEd. ( Daris Jose)
-
‘Scream’ Official Retro Poster Showcases Ghostface with a Blood-stained Knife in the Moonlight
THE Scream franchise’s notorious Ghostface killer is a lethal threat in the moonlight in the latest official poster for the upcoming fifth installment. It’s been 25 years since Wes Craven first joined forces with screenwriter Kevin Williamson to bring horror fans what arguably became the greatest homage to the slasher genre in horror history. Known for […]
-
Masaya para sa kanyang kaibigan: BITUIN, ‘di nagulat nang i-announce ni SHERYN na may karelasyong girl
HAPPY si Bituin Escalante para sa kaibigan niyang si Sheryn Regis. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa same-sex relationship nina Sheryn at partner nitong si Mel de Guia. Tatlong taon na ang kanilang relasyon. “I’ve never seen her as happy as she is now,” bulalas ni […]
-
Ads July 30, 2021