• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa kanyang political allies : Teamwork key to a prosperous PH

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga political leaders para makamit ang mas masagana at progresibong Pilipinas.

 

“Hindi pangkaraniwan ang pagtitipon ngayon dahil ito ay pagkakataon para ipakita natin ang kahalagahan ng pagsasama-sama at ng pagkakaisa. Para sa kaunlaran… Para sa pagbabago… Para sa magandang kinabukasan nating lahat,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Pasay City.

 

“A great public servant stands up for the interest, welfare, and rights of every Filipino, and must also be humane, God-fearing, and patriotic,” ang winika ng Pangulo.

 

Sa nasabing event, itinatag ng Pangulo ang isang Alyansa kasama ang mga piling public servants para ayusin ang buhay ng mga Filipino. Ang mga ito ay sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos; Makati Mayor Abby Binay; Sen. Pia Cayetano; former senator Panfilo “Ping” Lacson; Sen. Lito Lapid; at Sen. Imee Marcos. Kasama rin sina dating senador at boxing legend Manny Pacquiao; Sen. Ramon “Bong” Revilla; dating Senate president Vicente “Tito” Sotto; Sen. Francis Tolentino; ACT-CIS party list Rep. Erwin Tulfo; at Deputy Speaker Las Piñas Rep Camille Villar.

 

“Sa kanilang kalidad at karanasan mataas ang aking kumpyansa na sila ay ating magiging katuwang sa ating pagsulong at sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa. Atin po sila samahan at suportahan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Samantala, sinaksihan din ng Chief Executive ang paglagda sa manipesto ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kasama ang mga party leader ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), at Nacionalista Party (NP).

 

Ang Manifesto ay kumakatawan sa muling pagpapatibay ng mga Partido sa kanilang commitment sa pananaw ng Pangulo na magtayo ng mas maunlad, mapayapa at ingklusibong Pilipinas, naka-angkla sa prinsipyo ng ‘good governance, social justice, at economic progress. ( Daris Jose)

Other News
  • Matagumpay ang unang hudyat ng MMFF 2022: VICE, COCO, TONI, NADINE, JAKE at IAN, nanguna sa ‘Parade of Stars’

    TUNAY ngang balik-saya ang matagumpay na ‘Parada ng mga Bituin, o ‘Parade of Stars’ na angkop sa tema ngayong taon, “Balik Saya ang MMFF 2022.”     Ang Parade of Stars ay naging hudyat ng opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang, na kung saan ang host city ay ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.   […]

  • TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang nakamit ng Lungsod ng Navotas na pang-anim na Seal of Good Local Governance

    TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang nakamit ng Lungsod ng Navotas na pang-anim na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. (Richard Mesa)

  • Ex-NBA star Rajon Rondo naghain ng guilty plea sa mga kaso niya

    NAGHAIN ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal.   Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana.     Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia.     Bilang bahagi ng […]