‘Pinaka’ sa lahat ng ginawa bilang isang aktres: PINKY, thankful na mahusay na nagampanan sina Moira at Morgana
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
GUMAGANAP si Pinky Amador bilang si Moira/Morgana sa top-rating series ng GMA na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.
Marami na raw siyang na-portray na mabigat na papel sa buong karera niya bilang aktres, pero ito ang pinaka raw ang ginagawa niya.
“Ay naku, isa sa pinakamasaya, pinakamahirap, pinaka-challenging, and pinaka-rewarding,” pahayag ni Pinky.
“Mabibigat din, pero ito kasi sunud-sunod na mabibigat, kung anu-ano na lang ang naiisip.
“Imagine namatay na si Moira, bumalik pa si Morgana.
“So, it’s like another set ng mga challenges, paghihirap, pag-iisip kung paano makakaganti, kung paano mabubuo pa yung pamilya niya kahit alam naman niyang mahirap, marami siyang kasalanan, ganun.”
Sino ang mas hirap siyang i-portray si Moira o si Morgana?
“I think Moira, kasi si Morgana kasi since nag-a-assume lang siya ng identity, hindi siya makatodong kontrabida, kasi baka mabuko siya.
“Hindi siya… siya talaga si Moira na nagpapanggap lamang. The moment na gumawa siya ng bagay na masama, siya pagbibintangan, so pag pinagbintangan siya at naimbestigahan siya, mabubuko siya ngayon. “So, mabubuko na siya pala si Moira na may mga kaso, may mga pending, makukulong siya.
“So, kumbaga yung pagka-ano niya, limited lang. Pero pareho din naman na mahirap kasi si Morgana na yung lumaki ako sa farm, nasa pig pen, mga ganun, mga muntik na ako mahimatay.
“Physically, very challenging siya.”
Well, pinag-usapan at nag-trending si Morgana dahil inihawig ang naturang karakter sa kontrobersyal na dating Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Aware naman si Pinky tungkol dito.
Lahad niya, “Yes, oo. Actually, nung pumu… ito yung kuwento sa akin ng producers, tinanong ko si direk kasi,” pagtukoy ni Pinky sa direktor ng teleserye nila na si LA Madridejos.
“Sabi ko, pinag-uusapan kasi nila, alam naman nilang may kontrata ako sa Singapore, so alam naman nilang hindi ako totally mamamatay.
“So, nag-iisip sila ng paraan para makabalik si Moira. “So in the story, mamamatay kuno, so nag-iisip sila, paano natin pababalikin si Moira?
“So, isa sa mga naisip nila is stolen identity, so nandoon na yung thought balloon na stolen identity, sabay sumabog yung issue sa Senado.
“So sabi nila, ito na yun, nangyayari na ng totoo, why can’t we use it? It’s happening in real life.”
Pansamantalang nawala sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Pinky dahil sa isang prior commitment sa Singapore.
Aniya, “I was in Singapore for seven weeks. Kaya talagang kailangan ‘mamatay’ talaga si Moira.”
Buti pinayagan siya ng GMA?
“Oo, kasi nung pinaalam ko yun last year pa, 2023, iyon yung time na hanggang January 2024 pa lang kami. So ang paalam ko is May.”
Na ang thinking niya is tapos na ang serye?
“Hindi, sabi ko, kahit ma-extend pa yan ng February, or March, or April, pasok pa ako, e na-extend hanggang June 30.
“So sabi ko, eto na, hanggang sa huli, tinatanong nila ako, ‘Tuloy ba yan?’ E wala, naka-sign na ako ng kontrata.
“Tsaka alam naman natin, Singapore iyon.”
Isang play ang naging proyekto ni Pinky sa naturang bansa.
“Who’s Afraid of Virginia Woolf. I was the woman playing Martha. It’s about an older couple and a younger couple. Apat lang kami doon.”
Dagdag pa ni Pinky, “It’s a movie with Elizabeth Taylor and Richard Burton, and recently, in the West End, ginampanan ni Imelda Staunton, yung nag-play ng the queen sa The Crown.”
So dahil talagang malakas si Moira at si Morgana, nagawan ng paraan na makabalik si Pinky sa ‘Abot Kamay na Pangarap’?
Aniya, “Yes po. I’m very…ako super thankful ako dun, kasi tanggap ko na kung patayin nila ako, hindi na nila ako pabalikin.
“Tanggap ko yun kasi pumirma ako ng kontrata, hindi ko naman alam na extended, and siyempre creative choice nila yun.
“Pero for… the fact na ibinalik nila ako, hindi yun nangyayari every day, so talagang sobrang, sobrang pasasalamat ko.
“Kasi hindi lang siya trabaho, ano siya e, trabaho na you go to work with people that you really love working with, that you have respect for, co-actors that are intelligent, that are generous, and that get along.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Mas maraming Filipino nurses, nakatakdang maghanap ng trabaho abroad
POOR working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat. Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho. Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at […]
-
Kahalagahan ng Agosto 21‘wag kalimutan
MARIING hinikayat ni dating Manila Mayor at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang kahalagahan ng Agosto 21 sa kasaysayan ng ating bansa tulad nang pagpapasabog sa Plaza Miranda noong 1971 at ang pagpatay kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 1983. “Dapat tayong […]
-
Thompson hinirang na PBA MVP
KAGAYA ng inaasahan, napasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards. Kumolekta ang 28-anyos na produkto ng Perpetual Altas ng 2,836 points para maging ikalawang Ginebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Caguioa noong 2012. […]