• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, idineklara ang Misamis Occidental bilang ‘INSURGENCY-FREE PROVINCE’

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang Misamis Occidental bilang isang “Insurgency-Free Province”.

 

 

Ayon sa Pangulo, ang malakas na ‘political will at mahigpit na pagtutulungan ng mga law enforcement agencies ang naghatid sa pagtatapos ng communist rebellion at terrorist activities sa lalawigan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Tangub City Global College (TCGC) sa Tangub City, binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang 60 barangay na minsan nang naapektuhan ng Communist Terrorist Groups’ (CTGs) sa Misamis Occidental ay malaya na mula sa kanilang impluwensiya.

 

“We are gathered here today to celebrate a historic occasion, one that also took time in the making, the declaration of Misamis Occidental as an Insurgency-Free Province,”ang sinabi ng Pangulo sa mga residente ng Barangay Maloro, Tangub City.

 

 

“After years of consistent and resolute security, peace, and community-building, we have succeeded in our campaign to end the decades of conflict in the sixty barangays in your province that were once in the clutches of insurgent movements,” aniya pa rin.

 

Binigyang kredito naman ng administrasyon ang pagkawala ng CTGs-related violence sa neutralization ng key leaders ng grupo sa Misamis Occidental at Zamboanga del Sur sa first half ng 2024 sa Ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos.

 

Ang lumalagong bilang ng mga indibiduwal na pinili ang mapayapang daan at ang paghina ng armed rebellion ay nakapag-ambag din sa mapayapang kalayagayan ng lalawigan.

 

“We have successfully dismantled the key leadership of the former insurgents operating in Misamis Occidental, which have now led to their reintegration into society,” ang winika ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang community development at reintegration programs para sa mga nagbabalik-loob sa batas.

 

 

Tinatayang 51 barangay sa Misamis Occidental ang nakinabang mula sa Barangay Development Program (BDP) sa pagitan ng 2021 hanggang 2023.

 

 

“As of September, the Marcos administration completed 46 projects, including 44 farm-to-market roads (FMRs) and two other infrastructure projects involving the construction and development of roads and bridges in the province,” ayon sa ulat.

 

Idinagdag naman ni Pangulong Marcos na may 17 bagong proyekto ang nasa pipeline – siyang ang nakatuon sa improvement ng water supply systems at walo naman sa improvement ng health stations, rural electrification at rehabilitasyon ng mga eskuwelahan. (Daris Jose)

Other News
  • Argentina lango pa din sa World Cup Fever

    Hindi pa rin humuhupa sa Argentina ang mainit nilang pagkampeon ngayong taon ng FIFA World Cup.     Bukod sa may mga kasiyahan ay pilahan pa rin ang mga fans ng pagpapalagay ng tattoo.     Karamihan ng mga Argentinian ay nagpapatattoo ng larawan ng kanilang football star na si Lionel Messi.     Bukod […]

  • Unang pagkatalo ngayong preseason, nalasap ng defending champion na Celtics mula sa Raptors

    IPINALASAP ng Toronto Raptors sa Boston Celtics ang unang pagkatalo ngayong preseason sa kabila ng comeback effort ng defending champion.     Sa unang quarter pa lamang, nagpaulan na ang Raptors ng 46 points habang 27 points lamang ang naging ganti ng Celtics.     Gayunpaman, bumangon ang Celtics sa ikalawang kawarter at nagbuhos ng […]

  • HIGIT 300 TRAINEES NAGTAPOS SA TECH-VOC SKILLS SA NAVOTAS

    MALUGOD na tinanggap ng Navotas ang mahigit 347 mga skilled workers matapos ang kanilang pagtatapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.       Sa bilang na ito, 20 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) I para sa Automotive Servicing, habang 43 ang pumasa sa NC II assessment para sa Barista; […]