• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA ikinalungkot ang muling pagkakasangkot sa gulo ni Amores

Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan.

 

 

Tikom din ang bibig ni Marcial kung mayroong silang ipapataw na kaparusahan kay Amores o tuluyan ng sibakin sa PBA.

 

 

Nahaharap kasi sa kasong attempted murder si Amores dahil sa pamamaril sa isang Lee Cacalda matapos na makaalitan nito sa larong basketball sa Barangay Maylatang Uno, Lumban, Laguna.

 

 

Nitong Huwebes ng umaga ng sumuko si Amroes kasama ang 20-anyos na kapatid nito na nakitang nagmamaneho ng motorsiklo.

 

 

Bagamat walang nasaktan sa insidente ay desidido ang biktima na kasuhan ng tuluyan si Amores.

 

 

Si Amores na dating manlalaro ng Jose Rizal University at siya pinatawan ng ban ng NCAA matapos na suntukin ang apat na manlalaro ng De La Salle-Colleg of St. Benilde noong 2022.

 

 

Bagama’t sa nasabing insidente ay kinuha siya ng NorthPort Batang Pier sa fifth round ng 2023 PBA Rookie Draft.

 

Other News
  • Terror group nasa likod ng attack plot vs Israelis, Westerners planong magtayo ng kampo sa Pinas-Año

    KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakaabot na sa kanyang kaalaman ang plano ng Hamas, Middle East based Islamic group, na magtatag ng “foothold” o kampo sa bansa.     Sa isang mensahe, sinabi ni Año ang rebelasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa di umano’y […]

  • SAAN NAPUPUNTA ang MULTANG IBINABAYAD sa mga NCAP VIOLATIONS ng LGUs?

    NANAWAGAN si 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na “now that the Supreme Court has issued a TRO against the policy, the concerned agencies and LGUs should reimburse the alleged violators the fines collected from them”.     Marahil ay ang Korte Suprema ang makasasagot nyan kapag naglabas na ito ng hatol.  Sa ngayon ay malaking […]

  • PNP, mas pinaigting pa ang monitoring laban sa e-sabong; 236 sites pina-take down

    MAS pinaigting pa ngayon ng Philippine National Police ang kanilang isinasagawang monitoring sa iba’t ibang online platforms at mobile application na maaarin gamitin ng mga kawatan sa ilegal na operasyon ng electronic sabong.     Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang Anti-Cybercrime Group na i-take down ang lahat ng […]