• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela PESO, DOLE at SM nagsanib para sa Mega Job Fair

NAGSANIB ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), at ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa paglunsad ng back-to-back na mga programa para sa mga Valenzuelanong naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng isang Mega Job Fair, katuwang ang SM Valenzuela.

 

 

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, umabot sa 200 aplikanteng mga walang trabaho na lumahok sa lokal at international mega job fair ng Valenzuela ang natanggap sa trabaho.

 

 

May kabuuang 29 lokal na kompanya mula sa iba’t-ibang industriya at limang kompanyang naka-base sa ibayong dagat ang lumahok sa job fair.

 

 

Naglagay din ng “one-stop-shop” para sa mga aplikante ang SSS, PSA, Philhealth, TESDA, Project AYOS at PAGIBIG at nakapagbigay ng serbisyo sa may 189 na aplikante na kailangan para sa kanilang aplikasyon.

 

 

Kasabay ng naturang job fair ang paglulunsad ng “Project Angel Tree,” na isang paraan upang labanan ang child labor.

 

 

Sinabi ni Mayor Gatchalian, ang anti-child labor program na ito isa ring paraan sa pagkakaloob ng mga serbisyo sa mga dokumentadong mga batang manggagawa at nagbibigay din sa kanila ng oportunidad na matamasa ang kanilang oras sa paglilibang bilang mga bata at maisantabi muna ang nakaatang sa kanilang responsibilidad.

 

 

May kabuuan namang 46 na naka-profile na mga batang manggagawa sa lungsod ang nakinabang sa inilunsad na programa matapos pagkalooban ng pagkain, gamit pang-eskuwela at mga regalo mula sa ilang mga nagmamay-ari ng pribadong industriya at non-government agencies. (Richard Mesa)

Other News
  • Walang pagbabago sa terminal assignments sa NAIA sa ngayon

    HINDI pa mababago sa ngayon ang mga terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa mga Philippine air carriers.     Sinabi ito ng mga airlines matapos na magkaroon ng announcement ang bagong operator ng NAIA na magkakaroon ng posibleng terminal reassignments pero sa darating pa na panahon.     Ang Cebu Pacific […]

  • PBBM, ipinag-utos ang QUICK RELIEF ASSISTANCE para sa ‘isolated’ na pamilya sa TANAY, RIZAL

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan.         Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, […]

  • Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna

    HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay.   “Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.   “Sa […]