• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bado sumuntok ng tanso sa World Cup

HINDI uuwing luhaan ang national boxing team dahil nasiguro ni Aaron Jude Bado ang nag-iisang medalya ng Pilipinas — isang tanso — sa prestihiyosong 2024 World Boxing Cup na ginanap sa Ulaanbaatar, Mongolia.
Nagkasya lamang si Bado sa tanso matapos makaabot sa semifinals.
Subalit hindi na ito nakalaro pa sa semis dahil sa desisyon ng mga doktor doon sa Mongolia na huwag na itong sumalang pa upang hindi lumala ang injury nito na natamo sa quarterfinals.
Na-headbutt si Bado sa quarterfinal match nito sa men’s 51kg division laban kay Allesio Camialo ng Italy.
Nagtamo si Bado ng injury sa kanang mata dahilan para itgil ang laban.
Dahil hindi natapos ang laban, kinuha ang desisyon sa score cards ng mga hurado.
Bago itigil ang bakba­kan, lamang si Bado na nakuha ang boto ng tatlong hurado habang dalawang judges ang pumabor sa Italian pug.
Kaya naman ibinigay kay Bado ang panalo at umusad ito sa semifinals.
Dahil sa nangyari, nang­hinayang si Bado na nais pa sanang makalaro at makuha ang gintong medalya.
“Sayang po at hindi ko nakuha yung inaaasam ko na makapasok sa finals dahil sa natamo ko na sugat mula sa kalaban,” ani Bado.
“Akala ko nga talo ako dahil inihinto ng referee; mabuti na lang at win on points ang naging decision, at alam ko na lamang ako sa mga patama ko kanya,” dagdag ni Bado.
Nanghinayang din si national boxing coach Roel Velasco.
Other News
  • Harapan ng Yankees at Dodgers pinilahan ng mga baseball fans

    MARAMING mga baseball fans ang pumila para makapanood ng laban ng Los Angeles Dodgers at New York Yankees.     Ang nasabing laban ng dalawa ay tinagurian bilang baseball blockbuster for the ages.     Itinuturing din na ang harapan ng dalawang sikat na franchises ng 12th World Serie kabilang na rin ang makasaysayang pagiging […]

  • 2 drug suspects tiklo sa drug bust sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.       Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, Acting Chief of Police ng Caloocan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities […]

  • PNR: Huling biyahe sa March 28

    HIHINTO ng operasyon ang Philippine National Railways (PNR) ng limang (5) taon upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR).       Ang huling biyahe mula sa Governor Pascual papuntang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang ay sa darating na March 27. Inaasahang maaapektuhan ang may 30,000 na bilang ng mga pasahero sa […]