• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).

 

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’

 

Sa kanyang weekly vlog na pinost sa social media, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang mga estudyanteng Filipino na nakakuha ng parangal mula sa international STEM competitions.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng STEM education sa ‘modern technological landscape.’

 

Tinukoy ang aplikasyon nito sa halos bawat aspeto ng buhay ng tao.

 

“Mahalaga ‘yan dahil ang STEM subjects ang pinagbabasehan ngayon ng lahat bagong teknolohiya. Alam naman natin na ang lahat ng buhay natin ay dumarami ang involvement ng bagong teknolohiya,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Para magamit natin ‘yung mga bagong teknolohiya na ‘yan kailangan ay sanay na sanay tayo, nakaka-unawa tayo sa scientific studies at saka Mathematics para tayo ay makikilahok sa bagong ekonomiya ng mundo,”aniya pa rin.

 

Nangako naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng gobyerno ang STEM education para palakasin ang susunod na henerasyon ng mga innovator, tiyakin na ang Pilipinas ay mananatiling competitive sa isang mabilis na umuunlad na technological landscape.

 

“Sa isang Bagong Pilipinas, patuloy ang pagpapatatag ng pundasyon para sa siyensiya at teknolohiya. Patuloy ang inobasyon dahil kaalaman ang ating sandata tungo sa isang maunlad at makabagong Pilipinas,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Duterte Legacy?’: Utang ng Pilipinas record-breaking sa halos P13 trilyon

    SUMIRIT sa panibagong all-time high ang outstanding debt ng pamahalaan matapos itong maitala sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 — bagay na naapektuhan ng paghina ng piso kontra dolyar.     Ibinalita ito ng Bureau of Treasury, Huwebes, ilang linggo matapos maiulat na katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ang utang ng Pilipinas. […]

  • YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER

    KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.     Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays.      Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and […]

  • PBBM, lumikha ng dalawang bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang proklamasyon na naglalayong lumikha ng special economic zones sa Pasig City at Tanza, Cavite.     Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamations 512 at 513, noong Abril 1 na isinapubliko naman, araw ng Miyerkules.     Sa ilalim ng Proclamation 512, pinili ni Pangulong Marcos ang ilang […]