• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilinis ng special task force, inutos ng NBI

IPINAG-UTOS ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang paglilinis ng Special Task Force (STF) nito base sa natuklasang ulat na isa sa kanilang tauhan ang nasangkot sa  maling gawain.
Sinabi ng NBI na ipinag-utos din ni Santiago ang suspek ayon sa operasyon ng STC at inatasan ang Internal Affairs Division na mag-imvestigasyon.
Ang hakbang ni Santiago ay kasunod ng Sept.11 STF operation laban sa isang clinic sa Makati na natuklasang nag-o-operate ng walang medical.license at akreditasyon.
Sa nasabing operasyon, inaresto ng mga ahente ng STF sina Nguyen Thi Thu Ha at kanyang kasabwat na Filipino na nakilalang si  Demi Nhor Abelada Robles at Mary Frinces Listones Dalaguite.
“However, information belatedly reached the Office of the Director that one of the members of the team committed an abhorrent deed during the operation. This information should have been reported promptly as it affects not only the operation’s credibility but the NBI’s reputation,” ayon sa bureau.
“In his embarrassment, the agent decided to tender his resignation from the service which was accepted by the Director,” ayon pa sa NBI.
Bukod sa pagbibitiw, naghain din ng kaukulang kaso ang NBI laban sa nasabing ahente sa  Office of the City Prosecutor of Makati City.
Hindi naman binanggit ng NBI ang pangalan ng ahente at kanyang offense.
Ipinag-utos din ni Santiago na ang proseso ng pagpili para sa mga ahente at tauhan ay maging mas mahigpit upang hindi  makita o marinig ang mga katulad na insidente sa hinaharap.”
Kasabay nito, sinabi ng NBI na hinihikayat ni  Santiago ang pamunuan ng NBI, mga ahente at empleyado nito na suportahan siya sa pagtiyak na ang NBI ay malaya mula sa mga maling gawain at masasamang elemento. GENE ADSUARA
Other News
  • Pablo tumawid sa Petro Gazz

    SA Petro Gazz  sa maglaladlad ng galing ngayong taon ang isa sa mga star ng Premier Volleyball League (PVL) na si Myla Pablo.     Sasama na sa Angels ang three-time Finals Most Valuable Player sa Inspire Sports Academy training bubble camp sa Xalamba, Laguna sa Abril para sa pagbubukas ng unang torneo ng propesyonal […]

  • P500 cash assistance, bigay ng mga pulis sa mahihirap na mag-aaral sa Tondo

    SINIMULAN   na ng Manila Police District (MPD)-Moriones Station ang pagbibigay ng buwanang cash assistance sa ilang pinakamahihirap na mag-aaral ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.     Nabatid kay Moriones Police commander PLtCol Harry Lorenzo III, na 35 mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade VI na pinakamahihirap sa kanilang batch […]

  • ALAMIN: Mga bagong guidelines sa COVID-19 vaccination

    Higit isang buwan mula nang mag-umpisa ang Pilipinas sa rollout ng mga bakuna laban sa COVID-19, naglabas ang Department of Health (DOH) ng karagdagang panuntunan bilang gabay sa mga pagbabakuna.     Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2021-0175 na may petsang April 8, 2021 nakasaad ang ilang karagdagang guidelines para sa publiko at vaccination sites.   […]