DHSUD, binuhay ang Luzon shelter clusters para sa bagyong ‘Julian’
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
BINUHAY ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng matinding Tropical Storm Julian.
Sa katunayan, ipinag-utos ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagpapalabas ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region, kautusan na buhayin ang kanilang shelter clusters.
“Dapat lagi tayong pro-active para maibigay natin ang tulong kung kailan ito kailangan ng ating mga kababayan,” ang sinabi ni Acuzar.
Inatasan naman ang mga concerned regional directors na i- monitor ang kani-kanilang hurisdiksyon at bilisan ang emergency response at humanitarian assistance sa ilalim ng memorandum.
Inatasan din ang mga ito na magsumite ng daily situational reports para tiyakin ang napapanahon at akmang aksyon.
Ang hakbang ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s Memorandum 244, s. 2024, “which calls for activation and/or placing on standby of response clusters due to Julian.”
Sa kabilang dako, inaprubahan na ng DHSUD ang mahigit sa P30 million na tulong para sa mga biktima ng bagyong Carina at sunog sa Bacoor City, Cavite, at iba pang bahagi ng bansa.
May ilang biktima ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng DHSUD.
Layon ng programa na magbigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng P3,000 para sa mga ‘totally damaged houses’ dahil sa kalamidad, man-made o natural, at P10,000 para sa may ‘partially damaged houses.’ (Daris Jose)
-
Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K
TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito lang Abril 6-8. Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa […]
-
Hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City
SA ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan at lampasan pa ang inaasahan. (Richard […]
-
PBBM, tinintahan ang CREATE MORE bill para makahikayat ng mas maraming investments
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 11, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para i-promote ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination. Ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066, nilagdaan ni Pangulong Marcos sa isang seremonya […]