• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COC filing sa 2025 polls, umarangkada na

UMARANGKADA na simula Oktubre 1, ang pag­hahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidatong nakatakdang sumabak sa May 2025 National and Local Elections (NLE).

 

 

Ayon sa Comelec, magtatagal ang panahon ng paghahain ng kandidatura sa loob lamang ng walong araw o hanggang Oktubre 8.

 

 

Sisimulan ng Comelec ang pag-upload ng COCs at Certificate of Nomination and Accep­tance (CONAs) ng mga kandidato sa Oktubre 18.

 

 

Itinakda naman ang campaign period sa mga tatakbo sa senatorial at party-list elections sa Peb­rero 11, 2025 hanggang May 10, 2025 o isang araw bago ang halalan sa Mayo 12.

 

 

Para sa congressional race, gayundin sa parliamentary, provincial, city, at municipal offices ay maaaring magsimulang mangampanya mula Marso 28, 2025 hanggang Mayo 10, 2025.

 

 

Mayroong 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 NLE.

 

 

Una na ring ipinagbawal ng Comelec en banc ang substitution ng mga kandidato sa huling araw ng COC filing kung ang substitution ay isasagawa sa pamamagitan nang pag-withdraw ng kandidato.

 

Samantala, nakatakda na ring magtapos ngayong Lunes, Setyembre 30, ang voter registration sa bansa.

 

 

Hinikayat ng Comelec ang mga botanteng hindi pa nakapagpapatala na samantalahin ang huling araw ng registration upang makaboto sila sa halalan sa susunod na taon. Hindi na nila palalawigin pa ang voter registration period. (Daris Jose)

Other News
  • No. 7 top most wanted person ng NPD, nalambat sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente […]

  • Lolo na wanted sa statutory rape, timbog sa manhunt ops sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang 68-anyos na lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si […]

  • Pinoy golfer Miguel Tabuena nagkampeon sa Idaho Open

    Nagwagi si Filipino golfer Miguel Tabuena sa Idaho Open.     Hindi naging maganda ang laro nito sa third round sa Quail Hollow Golf Club sa Boise, Idaho.     Nagka-suwerte ito sa seventh round ng makapagtala ito ng eagle at birdie naman sa ika-siyam na round na nagtapos sa kabuuang 196 points.     […]