Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatomagmatic eruption – Phivolcs
- Published on October 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ng phreatomagmatic eruption ang Phivolcs sa Taal Volcano bandang alas-4:21 nitong Miyerkules ng hapon.
Ito ay mas malakas na pagsabog na maaaring maglabas ng malaking volume ng volcanic materials.
Inaalam pa ang ibang detalye ng nasabing development.
Una rito, limang phreatic eruption events ang Phivolcs sa Taal sa nakalipas na 24 na oras.
Ang steaming plume nito ay may 2,100 metrong taas.
Katamtamang pagsingaw na ito at napadpad sa hilagang-silangan at silangan-hilagang-silangan ng bulkan na matatagpuan sa Batangas.
Maliban dito, mayroon ding anim na volcanic tremors, kung saan 2-10 minuto ang itinagal ng mga ito.
Ang Sulfur Dioxide Flux (SO2) naman ay umabot sa 1,354 tonelada / araw.
Mayroon ding upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na indikasyon ng patuloy na abnormalidad.
Nakitaan din ng ground deformation ang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.
Nananatili naman ito sa alert level 1 at posible pang masundan ang naturang volcanic activity. (Daris Jose)
-
Pinas, Ethiopia nagkasundo na magtulungan sa kalakalan, teknolohiya, Manila-Addis Ababa Air Linkage
“AFRICA positioning itself as an emerging major economy has brought global excitement, and the Philippines could seize the opportunity by forging stronger partnership with Ethiopia, one of the region’s major economies.” Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos na mainit na tinanggap si Ethiopian Ambassador Dessie Dalkie Dukamo sa Palasyo […]
-
Pope Francis nangako ng halos P6-M na tulong sa mga biktima ng Odette
NANGAKO si Pope Francis na mamimigay ng $114,000 o halos P6-M para sa mga biktima ng bagyong Odette. Ayon sa Vatican na labis na nalungkot ang Santo Papa sa nangyaring pananalasa ng bagyo. Noong Disyembre ay isinama na rin ng Santo Papa sa kaniyang misa ang mga kalagayan ng mga biktima […]
-
10 pasahero na COVID-19 positive tumakas sa India
HINAHANAP na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City. Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas. Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na […]