• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination

Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination.

 

Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex.

 

Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na linggo ang mahigit 6,500 locally stranded individuals (LSIs).

 

Sinabi ni Encabo na pansamantalang pinalisan din muna nila ang iba pang mga taong nagtatrabaho sa loob at palibot ng sports complex kabilang na ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission at Manila Department of Public Services.

 

Sa ngayon, sinabi ni Encabo na wala nang LSIs sa mga stadiums ng complex matapos na makasakay sa barko papuntang Zamboanga Peninsula ang last batch ng 1,017 stranded passengers.

 

Magmula noong Sabado, 6,583 katao ang nag-avail ng travel assistance sa mga probinsya bilang bahagi ng ikalawang batch ng Hatid Tulong initiative.

 

Pero 48 rito ang nagpositibo sa rapid tests na isinagawa sa mga pasahero bago payagan makauwi ng kanya-kanyang probinsya.

 

Sa ngayon, hinihintay pa ng mga ito ang resulta naman ng isinagawang swab test sa kanila.

 

Nananatili ang mga ito sa kasalukuyan sa iba’t ibang quarantine facilities sa Manila. (ARA ROMERO)

Other News
  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE

    PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.     Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod […]

  • ‘Life, livelihood,’ sentro ng 10-point ‘Bilis Kilos’ economic agenda ni Mayor Isko sa pagkapangulo

    NAKATUTOK ang 10-point “Bilis Kilos” economic agenda ng presidential aspirant na si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa buhay at kabuhayan ng sambayanang Pilipino.       Sa isang pulong balitaan, sinabi ng alkalde ng Maynila na ito ang tututukan ng kanyang administrasyon sakali mang siya ang palarin sa pagka-pangulo sa halalan sa […]

  • PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN

    INAMIN ni  outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang  “mandaraya.”     “Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte.     “I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you […]