Mahigit 22 quarantine facilities para sa Metro Manila COVID-19 patients, patapos na – Dizon
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Patuloy umano ang paghahanap at pagtatayo ng National Task Force against COVID-19 ng isolation o quarantine facilities para sa mga magpopositibo partikular sa Metro Manila.
Magugunitang paubos na ang mga quarantine facilities na unang itinayo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Sinabi ni NTF deputy chief implementer Vince Dizon, una nilang ginamit ang mga hotels bilang quarantine areas at may mahigit 1,000 pang available rooms.
Ayon kay Sec. Dizon, nasa 22 quarantine facilities naman sa Metro Manila ang itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at magagamit na ito sa dalawa hanggang tatlong linggo.
Ang mega quarantine facility rin sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ay magiging operational na rin sa susunod na linggo habang ang Razon Group ay may dine-develop na 500-bed facility sa Entertainment City sa loob ng property ng Nayong Pilipino sa Parañaque City. (Daris Jose)
-
May bagong serye at show na iho-host: ALDEN, makatatambal ang isa pang JULIA sa movie sana nila ni BEA
NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.” Nag-paid tribute naman si Alden Richards, na isa rin sa host ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya […]
-
Pahayag ng PDEA na wala sa drug watch list nito si PBBM, kinontra ni Duterte
KINONTRA ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala at hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa drug watch list nito. Ang pangako ni Duterte, ipalalabas niya ito sa publiko kapag nakuha na niya ang nasabing dokumento. […]
-
Sen. Imee, nagduda kung tatanggapin ang role: ISKO, inaming malaking karangalan na gumanap bilang ‘Ninoy Aquino’
BAGO pala nag-casting si Direk Darryl Yap ng “Maryr or Murderer,” ang sequel ng biggest blockbuster movie ng Viva Films in 2022, ang “Maid in Malacanang,” ipinaalam muna niya kay Senator Imee Marcos na gusto niyang i-cast si former Manila Mayor Isko Moreno bilang si Senator Beningo Aquino. Nagdalawang-isip daw si Sen. Imee, dahil duda […]