30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.
Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang pagkalat pa ng bird flu virus, na sinasabing nakakaapekto rin sa mga tao.
Iniuugnay ng DA ang avian flu outbreaks sa ibang bansa sa mga migratory birds, na kadalasang dumadaan din sa Pampanga.
Noong Hulyo 23, inanunsyo ng DA na kontrolado na nila katuwang ang lokal na pamahalaan ng Jaen, Nueva Ecija ang pagkalat ng avian influenza. (Gene Adsiuara)
-
Ads October 10, 2020
-
Anti Terrorism Act, pinagtibay ng SC
Pinagtibay ngayon ng Korte Suprema ang RA 11479 o Anti Terrororism Act of 2020. Pero mayroong ilang probisyon dito ang idineklarang labag sa batas. Sa inilabas na abiso ng Supreme Court en banc, kabilang sa mga idineklarang labag sa batas ay ang Section 4 tumutukoy ito sa Terorismo. Sa […]
-
Intel at crime prevention pinaigting sa Quezon City para sa 2025 elections
HIGIT pang pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang intelligence at crime prevention para matamo ang isang maayos at matahimik na halalan sa May 12 midterm election sa susunod na taon. Sa press conference sa QC Hall sinabi ni Police Capt. Febie Madrid, spokesperson ng QCPD na bukod sa pagdedeploy ng kapulisan […]