• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng swab o PCR test, bagsak-presyo Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na ibaba ang presyo ng COVID swab test sa ilalim ng bagong approach na inilalatag ng pamahalaan laban sa Corona virus.

Ito’y bunsod na rin ng ikakasang pool testing na kung saan, ang isang PCR testing kit ay kayang paghati- hatian at gamitin ng sampu hanggang 20 indibidwal.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mula sa dating P3,000 kada salang sa swab test, ito ay maaari na lang bumaba sa P300.00.

“P300.00. Kasi there will be ten people using one test kit. So, it’s divided by ten, so it will be P300.00. So, now anyone can afford to have a test,” aniya pa rin.

Ang bagong hakbang na ito ani Sec. Roque ay bahagi na din aniya ng major changes at bagong istilo na ipatutupad ng gobyerno sa harap ng palalakasin nitong massive testing efforts.

At dahil sigurado na ang magiging abot kaya na ang pagpapa COVID test, kumbinsido aniya silang bababa na ang case reproduction rate gayundin ang case doubling rate.

Mas magiging mabilis na aniya ngayon ang pag a- isolate sa mga nagpositibo at negatibo sa swab test.

“And can you imagine the results, if they are tested, who wants to be tested, we can isolate the positive, as soon we isolate the positive in a massive targeted testing that we are about to embark, you can see that the R-naught (R0), the case reproduction rate, as well as the case doubling rate will go down dramatically,” pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Quiboloy pinaaaresto na ng Senado

    NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.     Inatasan ni Senate Presi­dent Juan Miguel Zubiri ang Office of the Sergeant-At-Arms na arestuhin at ikulong si Quiboloy sa kanilang tanggapan.     Sinabi ni Zubiri na pinatawan ng “contempt” si Quiboloy noong Marso […]

  • Tinta Print Media Conference 2024 – Shaping the Future of Media and Creativity

    MANILA, November 25, 2024 – Held at the prestigious Manila Hotel, the Tinta Print Media Conference 2024, organized by the United Print Media Group of the Philippines (UPMGPhil), brought together media professionals, creative leaders, and businessmen for a transformative day of insights and innovation. With the theme “Driving Truth and Business Impact,” the conference explored […]

  • ‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko

    PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.     Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantalaa ang mga may pakana sa online modus.     Kaugnay nito, […]