• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,943 traditional jeepneys balik kalsada

Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit ang mga jeepney drivers ay kinakailangan  gumamit ng QR or quick response code.

 

Ito ay isang special barcode na maaaring i-down load mula sa LTFRB website. Gagamitin ang QR codes ng mga jeepney drivers upang mapadali ang road enforcement at upang malaman na kung ang sasakyan ay pinapayagan na magsakay ng mga pasahero.

 

“We also require jeepneys to have a personal passenger insurance policy and to pass inspections proving roadworthiness,” ayon sa LTFRB.

 

Ang mga operators ay kinakailangan din na sumunod sa mga health at safety protocols na binigay ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

Habang ang buong Luzon ay nasa ilalim ng ECQ, ang lahat ng modes ng transportasyon ay pinahinto noong March upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nang nagkaron na ng mas relax na GCQ noong June 1, selected public transportation lamang ang pinayagan tulad ng P2P buses, trains, ride-hailing services at bicycles. Subalit limited passenger capacity lamang ang maaaring sumakay dito.  LASACMAR

 

Other News
  • San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime

    HINDI inasahan ng San Mi­guel na mahihirapan si­lang iligpit ang Blackwater.     Kinailangan ng Beermen ng extra period para lu­sutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 […]

  • Pinay figure skater Sofia Frank nagtapos ng pang-22 sa 2022 World Junior Figure Skater

    NAGTAPOS sa pang-22 si Filipina skater Sofia Frank sa 2022 World Junior Figure Skater Championship na ginanap sa Estonia.     Umabot sa 53.86 points ang kabuuang natamo ng 16-anyos na skater.     SA kanyang kabuuang 43 competitors ay mayroong 137 points ang kaniyang natamo na naging pang-22 ang puwesto nito.     Nagwagi […]

  • Bukod sa pararangalang Box-Office Heroes: ALDEN at KATHRYN, palaban din sa Best Actor at Best Actress sa ‘The 7th EDDYS

    NGAYON Linggo, July 7 na ang Gabi ng Parangal ng ’The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).   Gaganapin ito sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirek ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon.   Mapapanood naman ang kabuuan ng awards […]