• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy, binitay dahil sa kasong pagpatay sa Saudi Arabia —DFA

ISANG Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia ang binitay dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national.

 

Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa na lahat ng departamento ang magagawa nito hinggil sa kaso ng akusadong Filipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila.

 

“No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.

 

“We did all we could: court appeal, presidential letter of appeal, trying to get the victim’s family to accept blood money. In the end, our efforts were not successful as the victim’s family wanted the death penalty instead of accepting blood money,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, ayaw naman ng pamilya ng binitay na Filipino na ipalathala pa ang naturang kaso.

 

“Out of deference to their wishes, and out of respect to their privacy, we will withhold details on the case. We appeal to the media and the public to understand and heed the wishes of the family,” ayon kay De Vega.

 

Samantala, tiniyak naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na magbibigay ng tulong ang gobyerno sa pamilya ng binitay na filipino.

 

”The family is requesting privacy. Rest assured we’re assisting them, the family and this is a case na medyo matagal na rin, nasa OWWA pa ko noon,” ayon kay Cacdac.

 

”Ýun nga, the family is requesting privacy, galangin na lang natin ‘yung privacy ng family,” ang sinabi ni Cacdac.

 

Binigyang diin ni Cacdac na ginagawa lahat ng pamahalaan ang lahat ng hakbang hinggil sa kaso.

 

Sa katunayan aniya ay nakikipagtulungan ang DMW sa DFA para sa agarang pagapapauwi sa labi ng binitay na Pinoy. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs

    Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs).     Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na […]

  • Quezon province niyanig ng magnitude 4.9 na lindol – Phivolcs

    NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang General Nakar sa probinsiya ng Quezon.   Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST), naramdaman ang lindol dakong alas-2:14 ng Martes nitong madaling araw.   Tectonic in origin ito at may lalim na 15 kilometers ang sentro nito.   Naramdaman din ang nasabing lindol sa ilang […]

  • COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 7.8 percent – OCTA

    BUMABA  ng may 7.8 percent ang CO­VID-19 positivity rate sa  National Capital Region (NCR)  nitong Nobyembre 7 mula sa 9.5 percent noong October 31. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ang positivity rate ay yaong bilang ng mga taong napapatunayang may virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test.     Sinabi ni David […]