• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkalat ng pekeng partylists ikinaalarma ng mambabatas

IKINAALARMA ni Gabriela Women’s Party List Rep. Arlene Brosas ang pagkalat ng mga pekeng partylists na kakandidato sa Kongreso.

 

Ayon sa mambabatas, taliwas ito sa isinusulong na partylist system na mabigyan ng boses ang marginalized sectors ang mga partylists na pinangungunahan ng mga businessmen, political dynasties, at indibidwal na sangkot sa red-tagging.

 

 

“Nakakabahala ang paglipana ng mga pekeng partylist na ginagamit ng political dynasties, mga negosyante, at mga redtagger para isulong ang kanilang pansariling interes,” giit ni Brosas.

 

Sinabi ni Brosas na dapat na maipatupad ang tunay na representation upang masiguro na ang boses ng mahihirap, kababaihan, manggagawa, at iba pang marginalized sectors ay marinig sa kongreso.

 

 

Nanawagan ito sa publiko na maging mapagbantay at ibasura ang mga pekeng partylists na gumagamit sa laban ng marginalized sector bilang plataporma para sa kanilang personal na interes.

 

“The partylist system was envisioned to provide genuine representation for marginalized sectors in Congress. We call on the public to remain vigilant and support only those partylists that truly represent the interests and aspirations of the marginalized and oppressed sectors. We must ensure that those who genuinely fight for reforms and change for the people have a seat at the table, and not those who are merely using the poor to secure power,” pagtatapos ni Brosas. (Vina de Guzman)

Other News
  • Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers

    Maaari ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.     Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.     Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa […]

  • Minimum wage policy, pinarerepaso

    NAGHAIN  ng resolusyon si Sen. Raffy Tulfo para rebyuhin ang kasalukuyang polisiya ng gobyerno sa minimum wage increase para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa, partikular na ang mga nasa lower income bracket.     Sa Senate Resolution No. 476, sinabi ni Tulfo na tila hindi sapat ang minimum wage increase noong nakaraang […]

  • Estudyante sa public schools, ‘di required mag-uniporme sa pasukan

    NILINAW  kahapon ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd), na hindi required ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme sa nalalapit na pasukan.     Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na hindi na dapat madagdag pa ang gastusin sa pagbili ng uniporme sa […]