• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nograles vs. Duterte sa Davao City

MAGLALABAN bilang representante para sa unang distrito ng Davao City sina Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles at incumbent Davao City Rep. Paolo Duterte.

 

 

Opisyal na naghain (Martes) ng umaga ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Nograles sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa may Magsaysay Park habang si Duterte ay naghain ng kanyang COC nitong Lunes.

 

 

Si Nograles, ay anak ng yumaong Speaker Prospero “Boy” Nograles habang si Duterte ay panganay na anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Habang maglalaban naman sa pagka-mayor sina dating Rep. Karlo alexei Nograles at dating presidente Duterte.

 

 

Inihain ni Nograles ang kanyang COC ngayong Martes habang isinumite naman ng dating pangulo ang kanyang COC nitong Lunes. (Vina de Guzman)

Other News
  • OVP, pinanindigan ang pahayag ukol sa ‘rejected’ referrals

    PINANINDIGAN ng Office of the Vice President (OVP) ang sinabi nito na tinanggihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libo-libong referrals mula sa OVP.   Taliwas ito sa sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may pruweba ito na in-accommodate nila ang ‘requests for assistance’ mula sa tanggapan ni Vice President Sara […]

  • Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

    MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.     Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]

  • Ads July 13, 2021