• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Death penalty iraratsada ng Kamara

Iraratsada na ng Kamara ang panukalang ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection laban sa mga convicted drug traffickers sa bansa.

 

“The House of Representatives is ready to stand up to the task and pass the priority bills outlined by President Rodrigo “Rody” Duterte in his fifth State of the Nation Address (SONA) on Monday afternoon,” pahayag ni House Majority Floorleader Martin Romualdez.

 

Sinabi ni Romualdez na dahil prayoridad sa listahan ng Pangulo ang death penalty sa drug traffickers ay agad nila itong isasalang sa deli­berasyon.

 

Sa Senado, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na malaki ang posibilidad na maipasa ang panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan para sa drug related offenses.

 

Nilinaw naman ni Sotto na ang nasabing panukala ay namatay lang dahil sa nag-adjourned ang Kongreso at hindi ibinasura ng mga kongresista.

 

Dahil dito, kaya muli umanong susubukan ang panukala lalo pa nakatutok lang ang panukala sa mga krimen sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaya may maganda na itong tsansa na maipasa.

 

Samantala, suportado rin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva ang panawagan ni Duterte sa Kongreso na buhayin ang ‘death penalty by lethal injection’ para sa mga drug-related crimes sa bansa.

 

Gayunman, paglilinaw ni Villanueva, dapat itong ipatupad para lamang sa mga ‘big-time drug traffickers’ at hindi sa mga street-level drug pushers.

 

Naniniwala rin si Villanueva na ang kawalan nang ipinatutupad na capital punishment sa bansa ang dahilan kung bakit naipagpapatuloy pa rin ng mga nakabilanggong drug suspects ang kanilang illegal drug activities.

 

Sa katunayan aniya, may mga drug transactions na silang nasabat na ang sangkot ay mga convicted na high-profile inmates kahit pa nasa loob na ng national penitentiaries ang mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • PITX may paglilinaw, lahat ng mga drivers negatibo raw sa drug test

    NILINAW ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na walang nag-positibo sa drug test na mga drivers na gumagamit sa bus terminal.     Ang naturang drug test ay isinagawa noong nakaraang linggo.     Nilinaw ito ni PITX spokesperson Jason Salvador kasunod na rin ng mga napaulat na mayroong mga drivers ng […]

  • DSWD: P935 milyong educational ayuda, naipamahagi na

    UMAABOT na sa mahigit P935 milyong halaga ng educational assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 370,000 student beneficiaries mula ng ipinatupad ang naturang programa.     Ayon kay DSWD Un­dersecretary Jerico Javier, hanggang noong Setyembre 10, aabot na sa P935,971,800 ang kabuuang halaga na naipamahagi nila sa […]

  • Lalaking pugot ang ulo, natagpuan sa Caloocan

    KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinugutan ng ulo saka isinilid sa sako at itinapon ang katawan sa bakanteng lote sa Caloocan City.     Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang isang puting sako sa kahabaan ng Gumamela St, corner Cadena […]