LTO: Mga PUVs lalagyan ng speed limiters
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
SERYOSO ang pamahalaan na ipatupad ang paglalagay ng mga speed limiters sa mga public utility vehicles (PUVs) na dapat sana ay noong 2016 pa pinatupad ng Land Transportation Office (LTO).
Sa pinagsamang lakas ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB, at LTO, sinabi ng mga ahensiya na pinaghahandaan na nila ang masusing pagpapatupad ng nasabing batas.
“The full implementation of this law is long overdue. We will have to do something now for the interest and protection of all road users. We will continue holding series of meetings to come up with the guideline, with the intention of installing the required speed limiters in the soonest possible time,” wika ni LTO assistant secretary Vigor D. Mendoza III.
Kamakailan lamang ay nagkaron ng isang pagpupulong ang mga nasabing ahensiya kasama ang mga transport operators kung saan pinagusapan ang paglalagay ng speed limiters sa lalong madaling panahon na hindi maaapektuhan ang mga units.Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 10916 o ang tinatawag na Road Speed Limiter Act of 2016, nakalagay dito na kailangan lagyan ng speed limiters ang mga public utility vehicles (PUVs) ganon din ang mga closed vans, haulers, shuttle services at ibang pang klaseng sasakyan.
Nakalagay sa batas na kung walang speed limiter ay hindi puwedeng marehistro ang isang sasakyan.Kapag naipatupad na ang batas, ang mga hindi susunod sa mga probisyon ng RA 10916 at mahuhuli ay papatawan ng kaukulang multa. Ang mahuhuli ay papatawan ng P50,000 na multa ganon din sa may mga nonfunctioning o tampered na limiter.
Sa unang pagkakataon, ang mahuhuli ay papatawan ng suspensyon ng kanilang prangkisa sa loob ng tatlong (3) buwan o di kaya ay suspensyon ng driver’s license sa loob ng isang (1) buwan.Kung mahuhuli naman sa ikalawang pagkakataon, ang nagkasala ay papatawan ng suspensyon ng license sa loob ng tatlong (3) buwan o di kaya ay suspensyon ng prangkisa sa loob ng anim (6) na buwan kasama ang P50,000 na multa. Sa mga susunod na pagkahuli naman ay revocation ng driver’s license o di kaya ay isang (1) taon suspensyon ng prangkisa.
Ang mahuhuling nagtatamper ng speed limiters ay makukulong ng mula sa anim (6) na buwan hanggang tatlong (3) taon at multang aabot ng P30,000. LASACMAR
-
DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation
NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian. Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson […]
-
Ex-tennis star Maria Sharapova napili bilang 2025 Tennis Hall of Fame
NAPILI bilang inductees ng 2025 International Tennis Hall of Fame si dating World number Maria Sharapova. Kasama rin itong napili ang US doubles team na magkapati na sina Bob at Mike Bryan. Ang five-time Grand Slam champion ay isa sa 10 mga babae na nagkamit ng career singles Grand Slam. Nanatili siya […]
-
Filipinas at men’s football team sasabak sa mga international game
NAGHAHANDA na ang men’s and women’s football team ng bansa para sa paglahok sa mga pangunahin kompetisyon. Sa darating na Oktubre 11 hanggang 14 ay lalahok ang men’ national team sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria. Habang ang Filipinas ay sasabak […]