• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas

SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, kapwa ng lungsod kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, bumuo ng team si P/Capt. Luis Rufo Jr. saka ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-3:44 ng madaling araw sa M. Naval St., Brgy. San Roque matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.16 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na0 P41,888.00 at buy bust money.

 

 

Alas-11:36 ng gabi nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Roque, si alyas Nilo, 51, at alyas Toni, 59, kapwa ng lunsod at nakuha sa kanila ang nasa 5.48 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P37,264.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Navotas police sa kanilang matagumpay na operation kontra iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Handog ng Globe para sa kabataang Pinoy: BINI at SunKissed Lola, pangungunahan ang ‘G FEST 2024’

    ANG Globe ay naghahanda upang bigyang-inspirasyon ang mga kabataang Pilipino sa G FEST 2024, na isang electrifying three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao na pinaghalong musika at pagkamalikhain upang magbigay ng inspirasyon sa lakas ng loob at magpakawala ng pagpapahayag ng sarili.     Ang G FEST ngayong taon, bahagi ng taunang pagdiriwang ng […]

  • Ads December 9, 2024

  • Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets

    MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.     Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng LInggo.     Sa tanong kung ano ang kanilang […]