• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA

MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at Martes kaya mananatili munang suspendido ang operasyon ng dalawa pang araw (hanggang Huwebes).

 

 

Dagdag pa ni Morente na binibigyan din nito ang kahilingan ng  General Services Section ng sapat na panahon upang magsagawa ng disinfection at  sanitation  sa buong gusali at paligid nito.

 

 

Matatandaan na sinuspinde ang operasyon ng ahensiya sa main building nang tatlo sa kanilang empleyado ay nagpositibo sa COVID 19, gayunman, magpapatuloy pa rin ang operasyon sa kanilang mga satellite at extension offices  sa Metro Manila, particular sa SM Aura mall,  PEZA building sa Taguig City; SM-North mall sa  Quezon City; at  BOI building sa  Makati City.

 

 

“Those who have registered with our online appointment system will be notified or may inquire about their new schedule by contacting our hotlines that can be viewed at immigration.gov.ph,” ayon sa BI Chief.

 

 

Samantala, siniguro naman ni  Manila Mayor Isko Moreno na bukas para sa mga empleyado ng ahensiya ang medical at  quarantine facilities na posibleng nahawaan o suspected sa virus. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Poster ng ‘Voltes V: Legacy’, spotted sa tren sa Japan: Direk MARK, feeling grateful at tinawag na ‘priceless’ moment

    SPOTTED sa Tokyo, Japan ang balita tungkol sa upcoming megaserye ng GMA Network na “Voltes V: Legacy.”     Sa Instagram post ni Direk Mark Reyes, makikita ang screen sa isang tren kung saan inilabas ang poster at news tungkol sa live-action adaptation ng Kapuso Network.     Dahil diyan, feeling “grateful” si Direk Mark […]

  • Nag-react agad nang mabasa ang tweets: OGIE, itinanggi na may ‘marital problems’ sila ni REGINE

    AGAD na nag-react ang singer-songwriter-tv host na si Ogie Alcasid nang mabasa ang tweets na may problema raw sila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez.     Kaya tweet ni Ogie, “I have read some tweets about my wifey and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in […]

  • PBBM maayos ang pakiramdam at kalagayan sa kanyang ikatlong araw na isolation

    MAAYOS ang pakiramdam at kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil dalawang araw matapos tamaan ng covid-19 si PBBM.     Sa katunayan, sinabi ni Garafil na sasabak pa nga sa isang teleconference ang Pangulo ngayong hapon.     Matatandaang hindi nakadalo […]