2 kelot na nasita sa paglabag sa ordinansa, bistado sa droga
- Published on October 15, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu nang takbuhan ang mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.
Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti-criminality foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS4) sa Pla-Pla St., Brgy. 14 nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na walang suot na damit habang gumagala sa lugar dakong alas-2:15 ng madaling araw.
Nang iisyuhan nila ng tiket dahil sa paglabag sa umiirala n ordinansa ng lungsod ay bigla lamang umanong kumaripas ng takbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner.
Nang kapkapan, nakumpiska ng mga pulis sa suspek na sina alyas Miel, 26, at alyas Michael, 45, kapwa residente ng lungsod ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 7.6 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P51,680.
Dahil dito, pinosasan ng mga pulis ang mga suspek at sasampahan ng kasong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
6 na tulak nalambat sa Navotas drug bust, higit P.2M droga, nasamsam
AABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 55-anyos na ginang matapos matimbog ng pulisya sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas plice chief P/Col. Mario Cortes […]
-
Cool Smashers kakasa sa ASEAN Grand Prix
HANDA na ang lahat sa pagsabak ng Creamline Cool Smashers sa 2022 Asean Grand Prix na idaraos sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11. Nakatakdang lumipad patungong Bangkok ang buong delegasyon sa Miyerkules. Kumpleto ang Cool Smashers na magtutungo sa Thailand dahil base sa inisyal na plano, kasama si […]
-
Listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa 4Ps, inaasahang mailalabas sa Setyembre o Oktubre – DSWD
INAASAHANG ilalabas ang listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Setyembre o Oktubre ngayong taon. Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na ang mga natanggal mula sa listahan ng 4Ps ay ang mga pamilya na wala ng anak na edad 18 pababa o […]