• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jimmy Butler, wala pang plano sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Miami

WALA pang plano si NBA star Jimmy Butler kung aalis o mananatili siya sa Miami Heat sa susunod na taon.

 

 

Sa media day ng Heat ilang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng bagong season ng NBA, natanong si Butler kung ano ang kanyang plano sa Miami sa susunod na taon.

 

 

Nakatakda kasing maging free-agent si Butler sa susunod na taon kasabay ng pagtatapos ng kanyang kontrata sa Miami.

 

 

Ayon kay Butler, bagaman wala pang katiyakan sa kaniyang magiging ‘future’ sa Miami, masaya siyang naglalaro sa naturang team at walang ibang kanyang iniisp sa ngayon kungdi ang maglaro at i-representa ang Heat.

 

 

Giit ni Butler, nais niyang tutukan kung paano maipanalo ang mga laban ng Heat sa kabuuan ng season at saka na lamang ito magdedesisyon pagkatapos nito.

 

 

Samantala, marami rin ang nagulat ngayong taon dahil sa walang pagbabago sa appearance ng Miami star.

 

 

Maalalang noong nakalipas na season ay lumabas si Butler suot ang kanyang ’emo Jimmy’ look na agad naging trending sa social media.

 

 

Noong 2022 media day, naging patok din ang ‘dreadlocks Jimmy’ na kinaaliwan ng mga fans ng NBA.

 

 

Nang matanong si Butler ukol dito, sinabi niyang ‘normal Jimmy’ ang kanyang suot sa ngayon dahil sa hindi umano nasunod ang kanyang mga plano, bago ang media day.

 

 

Oct 2(oras sa Pilipinas) ay sisimulan na ng Miami Heat ang training camp sa Bahamas.

Other News
  • Ads May 30, 2022

  • PDu30, nagsimula nang magligpit ng gamit; hinahanda na ang sarili bilang private citizen sa Davao

    NAGSISIMULA nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City.     Nakatakda na kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.     Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake […]

  • Kelot kulong sa pagbebenta ng bari sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap sa Caloocan City. Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta si alyas “Otep” nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .22 na revolver na may kargang isang bala […]