• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pekeng social media account ginagamit

PINAG-IINGAT ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko hinggil sa mga pekeng social media account na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensiya.

 

Sa abiso ng BOC, may ilang indibdwal o grupo ang nagpapakilala sa social media na tauhan ng customs kung saan ginagamit nila ito sa iligal na paraan at marami na rin ang nabibiktima nito.

 

Idinadawit din ang mga pangalan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na naniningil ng pera para sa mabilisan transaksyon sa mga karagamento.

 

Nilinaw ng BOC na hindi sila nagsasagawa ng anumang transaksyon na idinadaan sa social media o sa mga online platforms at tanging sa opisina lamang nila ito ginagawa.

 

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ns ang BOC sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para makilala at mapanagot ang mga nasa likod ng iligal na gawain.

 

Pinapayuhan naman ang publiko na huwag ng tangkilikin at agad na ireport sa mga otoridad o sa tanggapan ng BOC ang sinumang mag-aalok nito. GENE ADSUARA

Other News
  • “THE MATRIX RESURRECTIONS” HOLDS US PREMIERE IN SAN FRANCISCO

    CHECK out the filmmaker and cast of “The Matrix Resurrections” celebrate the US premiere in San Francisco.  See the film in Philippine cinemas January 12, 2022.   [Watch the film’s latest trailer at http://youtu.be/ZwcZxA9rfoU]   About “The Matrix Resurrections”   From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix Resurrections,” the long-awaited next chapter in the groundbreaking franchise that redefined […]

  • Sa mga pinagdaanang hirap… MARK, nakaranas din ng matinding anxiety dahil sa pandemya

    HINDI namin sinasadyang paiyakin ang hunk actor/singer na si Mark Rivera nang makausap namin siya kamakailan.     Napadako kasi ang usapan namin sa nagdaang kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 na nagsimula noong 2020 kung kailan nag-impose ng mahigpitang lockdown sa buong mundo.     At si Mark ang isa sa pinaka naapektuhan ng nasabing […]

  • Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES

    ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, […]