• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opisyal ng PhilHealth nagbitiw sa puwesto

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang anti-fraud legal officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Atty. Thorrsson Montes Keith.

 

Sa kanyang resignation letter na isinumite kay PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, isinaad nito na ang dahilan ng pagbitiw niya sa puwesto ay dahil sa hindi makatarungang job promotion process.

 

Kasama rin dito ang ilang delayed na pasahod at hazard pays kung saan magiging epektibo ang resignation nito sa Agosto 31.

 

Mahigpit kasi nitong kinokontra ang mandatory na pagbabayad sa PhilHealth ng mga overseas Filipino workers.

 

Magugunitang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing boluntaryo na lamang ang pagbabayad sa PhilHealth matapos na almahan ito ng mga OFW.

 

Mariing pinabulaanan din ng hepe ng PhilHealth ang nawawala umanong pondo na umaabot sa P154 billion. (Daris Jose)

Other News
  • International Olympic Committee chief, tiwalang marami pa ring manonood sa Tokyo Olympics

    Naniniwala si International Olympic Committee chief Thomas Bach na mayroon pa rin mga audience na manonood sa Tokyo Olympics.   Sa kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, may mga ipapatupad silang mga paghihigpit para hind magkaroon ng hawaan ng COVID-19.   Dahil sa nasabing gagawing paghihigpit ay asahan na ang pagkakaroon ng mga […]

  • Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya

    SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.         Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?         Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal […]

  • Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships

    SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.     Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang […]