• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa panahon ng war on drugs ng administrasyong Duterte… Muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings suportado ng Malakanyang

SUPORTADO ng Malakanyang ang posibleng muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

 

”Of course. The reopening of the investigations of the high killings related to the war on drugs should indicate that the Marcos administration places the highest importance on the fair dispensation of justice and on the universal observance of the rule of law in the country,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang text message nang tanungin kung susuportahan ng Marcos administration ang nasabing imbestigasyon.

 

Nauna rito, napaulat na plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na pabuksan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang mga opisyal na napatay sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte.

 

Kasunod ito sa naging rebelasyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chief Royina Garma sa Quad Committee ng Kamara na sangkot ang isang aktibong pulis sa pagpaslang noon kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

 

Ang alkalde ay binaril umano ng sniper noong Hulyo 2018 habang ito ay nasa flag raising ceremony.

 

Sinabi ni Garma na isang “Albotra” ang nagkuwento sa kanya at ipinagyabang pa nito.

 

Sinabi pa ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, na isa lamang ang kaso ni Halili ang pinabubuksan bukod pa sa ilang mga kaso ng mga government officials na nasangkot sa war on drugs. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 23, 2023

    adsmar_232023

  • PBBM, itinalaga si Imelda Papin bilang acting member ng PCSO board

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office.     Nanumpa sa kanyang tungkulin si Papin sa harap ni Pangulong Marcos, araw ng Martes, Hunyo 4.     Matatandaang, buwan ng Abril nang umugong ang balita na itatalagang […]

  • 5 major agenda, palalakasin pa ni Mayor Joy

    LIMANG major agenda ang higit na palalakasin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ikalawang termino  nito bilang alkalde sa lungsod.     Inihayag ito ng alkalde sa ginanap na inagural ceremony ng mga nanalong  opisyal ng QC.     Pinangunahan ni Mayor Joy ang okasyon kasama sina Vice Mayor Gian Sotto  at anim na […]