• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Intel at crime prevention pinaigting sa Quezon City para sa 2025 elections

HIGIT pang pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang intelligence at crime prevention para matamo ang isang maayos at matahimik na halalan sa May 12 midterm election sa susunod na taon.

 

 

Sa press conference sa QC Hall sinabi ni Police Capt. Febie Madrid, spokesperson ng QCPD na bukod sa pagdedeploy ng kapulisan sa panahon ng halalan ay naglatag na rin sila ng mga checkpoints sa ibat ibang strategic areas sa Quezon City bilang paghahanda sa darating na halalan.

 

Anya wala naman silang maitutu­ring na hotspots sa QC may kinalaman sa darating na halalan .

 

 

Sinabi ni Madrid na may ugnayan din ang Kapulisan sa mga barangay upang matiyak ang kaayusan ng eleksyon.

 

Ipinaalala rin nito sa publiko na 24/ 7 na bukas ang Helpline 122 ng QC upang tawagan kung kailangan ng tulong kung may mga untoward incidents sa kanilang lugar para sa kaukulang aksyon ng QC Police.

 

Dinagdag din nya na bukod sa mga ipapakalat na tauhan sa mga lugar malapit sa polling precints ay may mga foot patrol din sila na magbabantay sa mga bahay na maiiwang walang tao sa panahon ng election laban sa mga kawatan na Akyat Bahay.

 

Ipinaalala rin nito na sa election period ay ipinatutupad ang gun ban at tanging ang mga may gun ban exemption lamang ang maaaring magdala ng armas sa panahon ng election tulad ng mga pulis.

 

 

Hindi aplicable dito ang mga may dala lamang na permit to carry firearms.

Other News
  • надежные Игровые Автоматы в Деньги С надзором Честност

    надежные Игровые Автоматы в Деньги С надзором Честности Играть В Онлайн Казино На настоящие Деньги Игровые Автоматы С Выводом Content Как выйти Деньги Из Казино%3F Игрoвыe Автoматы На Pokerdom Com лучшие Игровые Автоматы Онлайн Мобильные Игровые Автоматы и Деньги%2C Как Скачать Слоты На Андроид Проверенные Игровые Автоматы Онлайн – Лучшие Честные Слоты Рекомендуемые Онлайн-казино Выбор […]

  • May 2022 polls ‘pinaka-matagumpay- DILG

    ITINUTURING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “pinaka-matagumpay” ang katatapos lamang na national ay local elections sa bansa.     Binasura ng DILG ang pag-iingay ng iilan na nagkaroon ng electoral fraud at iba pang uri ng dayaan.     Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang alegasyon […]

  • Santo Papa, tinanggap ang mga credentials ng bagong Philippine envoy to The Holy See

    PORMAL nang umupo bilang bagong Philippine ambassador to The Holy See si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Myla Grace Ragenia Macahilig.   Pinalitan ni Macahilig si Grace Relucio-Princesa, na nagsilbi bilang Manila’s ambassador to The Holy See mula September 2018 hanggang unang bahagi ng taon.   Sa social media accounts ng Vatican […]