• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Uninterrupted’ gov’t services sa Sulu, titiyakin ng administrasyong Marcos-Pangandaman

TITIYAKIN ng administrasyong Marcos na mananatiling tuloy-tuloy at walang hadlang ang serbisyo ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu.

 

Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM).

 

Inihayag ang commitment na ito nang ang Intergovernmental Relations Body (IGRB), binubuo ng mga kinatawan mula sa national at Bangsamoro governments, nagpulong noong Oct. 11 para talakayin ang Supreme Court’s (SC) Sept. 9 ruling sa ‘exclusion’ ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, IGRB co-chairperson para sa national government, na committed ang administrasyong Marcos na panatilihin ang serbisyo sa Sulu sa gitna ng transisyon.

 

“The national government will exert all efforts to ensure a smooth transition, taking a whole-of-government approach to continuously deliver essential services in the region,” ang sinabi Pangandaman ayon sa IGRB joint statement.

 

 

“We in the IGRB have a crucial responsibility to sustain and build on the significant gains we’ve achieved for BARMM’s governance, peace, and long-term growth,” dagdag na wika nito.

 

Nanawagan naman si BARMM Education Minister at IGRB co-chairperson Mohagher Iqbal para sa isang pinag-isang pagsisikap para ‘pangalagaan ang interest ng mga residente ng Sulu.

 

“As we await the final resolution of the judicial process, it is essential that we adopt a collective approach to protect the rights, aspirations, and well-being of the people of Sulu,”ang sinabi ni Iqbal.

 

Tinukoy naman ni Iqbal ang posibleng pagbabago na maaaring mangyari sa panahon ng transisyon, kabilang na ang pagbabayad ng sweldo para sa teaching at non-teaching staff, asset management, at iba pang operational matters.

 

Pumayag naman ang IGRB na bumuo ng technical working group (TWG) na magde-develop ng balangkas para tiyakin ang ‘minimal disruption’ sa mahahalagang serbisyo.

 

Inatasan din ang TWG na magbigay ng rekumendasyon ukol sa pagpapanatili na magpapatuloy ang operasyon habang hinihintay ang pinal na desisyon ng Korte Suprema.

 

Samantala, makipag-ugnayan naman ang IGRB sa Office of the Executive Secretary para sa pagpapalabas ng written directive sa mga apektadong tanggapan ng Bangsamoro government, national government, at local government unit upang matiyak ang patuloy na operasyon ng ‘governmental matters’ sa Sulu.

 

“In a unanimous decision dated Sept. 9, 2024, the SC ruled that Sulu is not part of the BARMM, citing the province’s rejection of the Bangsamoro Organic Law (BOL) during the 2019 plebiscite,” ayon sa ulat.

 

“The BOL, enacted on July 27, 2018, is the legal framework establishing the BARMM’s governance and political structure,” ayon pa rin sa ulat.

 

Nito lamang nakaraang buwan, hinikayat ni Pangandaman ang BARMM at Sulu na manatiling “status quo,” kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na huwag isama ang lalawigan mula a rehiyon. (Daris Jose)

Other News
  • PRC, hinikayat ang mga Bulakenyo na makiisa sa pagtaguyod ng mga makataong serbisyo

    UPANG mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Alinsunod sa temang […]

  • Ads January 11, 2024

  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]