PBBM, pinangunahan ng inagurasyon ng SORSOGON SPORTS ARENA
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) na itinaon sa ika-130 taong anibersaryo ng lalawigan at pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kasanggayahan Festival.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang SSA, kayang maga-accommodate ng 12,000 katao at magsilbi bilang National Training Camp para sa mga atletang Filipino, ay isang malaking hakbang tungo sa dumaraming bilang ng mga Filipino Olympians.
Maliban sa magiging gamit ng SSA bilang sports training facility, sinabi ng Pangulo na ang SSA ay maaaring gamitin para sa mga komperensiya, summits, konsiyerto at kompetisyon.
“Bago ang lahat, nais ko munang batiin ang lahat ng mga Sorsoganon sa inyong ika-130 anibersaryo ng [pagkakatatag] ng inyong lalawigan at sa 50 Kasanggayahan Festival. Sa araw na ito, muli tayong nagsama-sama upang pasinayaan ang Sorsogon Sports Arena na ipinagmamalaki ng buong Bicol Region ngayon,” ang sinabi ng Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“Sa pagtataya, kaya ng arena na ito na maiupo ang aabot sa 12,000 katao. [Maaari] rin itong gamitin bilang National Training Camp ng mga atletang Pilipino…Ito po ay isang mahalagang hakbang upang maitaguyod natin ang ating mga kababayan na may angking galing sa larangan ng palakasan. Sa tulong nito, mabibigyan sila ng pagkakataon upang mahasa pa ang kanilang mga talento.
Harinawa ay maidadagdag pa natin sila sa hanay ng ating Olympians at atletang Pilipino,” aniya pa rin.
“Bagama’t sports arena ang tawag natin dito, hindi lamang ito para sa mga larangan ng palakasan. Maaari din itong gamitin para sa mga pagpupulong o summits, konsierto, [at] mga patimpalak.”ang winika pa ng Pangulo.
Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang SSA bilang simbolo para sa mga Bicolanos at Sorsoganons para sa kanilang kasipagan at pagpupursige tungo sa pag-unlad.
“Kaya hindi natin maikakailang simbolo ng progreso ang Sorsogon Sports Arena. [Sumasalamin] ito sa patuloy na pagsisikap, pagtitiyaga, at pag-unlad ng mga Sorsoganon at mga Bikolano,” binigyang diin ni Pangulong Marcos.
At bago pa matapos ang kanyang talumpati, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga ito na ipagpatuloy lamang ang pagsuporta at pakikipagtulungan para sa kanyang hangarin na pag-unlad ng bansa.
“Kaya naman umaasa ako sa suporta ng mga Pilipino. Sa tulong ninyo, alam kong makakamit natin ang mga hangarin para sa ikauunlad ng bansa,” ang winika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
DMW chief, hindi makahahawak ng natitirang pondo ng POEA – DBM
PINAALALAHANAN ng Department of Budget Management (DBM) si Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Abdullah Mama-o na huwag galawin at gastusin ang natitirang pondo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa fiscal year (FY) 2022. Giit ni DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda, walang awtoridad o kapangyarihan ang DMW na gamitin ang […]
-
Pera na kikitain mula sa E-sabong, kailangan – PDu30
KAILANGAN ng gobyerno ang perang kikitain mula sa online cockfighting operations. Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa groundbreaking ceremony para sa OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, sinabi ng Pangulo na pinayagan niya na magpatuloy ang e-sabong dahil naubos at nasaid na ang ibang pondo dahil sa pandemiya. […]
-
Ilang Pinoy boxers, malaki ang tyansang sumikat sa pagreretiro ni Pacquiao
Pinawi ni dating 2-division world boxing champion Gerry Penalosa ang pangamba ng ilan na baka maputol na ang Pilipinas sa mapa ng boxing dahil sa pagreretiro ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, mas madali nang sumikat ngayon ang mga Filipino boxers dahil sa nalikhang popularidad […]