• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA

SINABI ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang depende na rin sa pamunuan ng mga mall kung hanggang anong oras sila magsasara.

 

 

Ani Artes, mas mabuting ma-extend ang oras ng pagsasara upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makapag-stay pa sa mga mall, makapag-grocery o last minute shopping habang nagpapalipas ng oras na lumuwag ang kalsada.

 

 

Suportado rin ng mall operators ang pakiusap ng MMDA na huwag magsagawa ng mallwide sale sa loob ng Nov. 18-Dis. 25, na inaasahang ilang araw pagkatapos ng All Saints Day at All Souls Day na lamang idaos, na nakagawian na sa mga nakalipas na taon. Hindi naman saklaw nito ang store sale o paisa-isang pagsasagawa ng sale sa loob ng malls.

 

 

Layunin sa isinagawang consultative meeting nitong Miyerkules (Okt. 16) sa MMDA Head Office, sa Pasig City, na maibsan ang inaasahang mas matin­ding pagsisikip ng trapiko sa panahon ng Kapaskuhan.

 

 

May moratorium o pagsuspinde sa lahat ng road right-of-way excavation activities sa Metro Manila simula hatinggabi ng Nobyembre 18 hanggang ha­tinggabi ng Disyembre 25 na kinabibilangan ng road reblocking works, pipe-laying, road upgrading at iba pang excavation works. Exempted sa moratorium ang flagship projects ng gobyerno, DPWH bridge repair and construction, flood interceptor catchment projects, emergency leak repair, at iba pa.

 

 

Mayroong 131 malls sa National Capital Region at 29 dito ay matatagpuan sa kahabaan ng EDSA.

 

 

Ang mga delivery sa mall ay papayagan lamang sa gabi mula alas-11:00 hanggang alas-5:00 ng umaga, maliban sa perishable na pagkain at yelo.

 

 

Dagdag pa, sinabi ni Artes na hihilingin ng MMDA sa Department of Transportation na pahabain ang oras ng operasyon ng public transport system, lalo na ang EDSA Bus Carousel, LRT at MRT, para ma-accommodate ang mga late-night commuters at mall employees.

Other News
  • INDIAN CREW MEMBER, TINULUNGAN NG PCG

    KINAKAILANGAN na idi-embark at tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian crew member ng bulk carrier mula sa isang international vessel matapos maaksidente habang naglalayag sa katubigan ng Pilipinas.     Ayon sa PCG, nagsagawa ang coast guard ng medical evaluation sa  MV Formento Two sa may 8.3 nautical miles southeast ng Virac […]

  • Ads April 21, 2022

  • EO sa paglikha ng water resources management office sa DENR, oks kay PBBM

    TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang  executive order para sa pagtatayo ng  Water Resources Management Office (WRMO) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong  pagsama-samahin  ang pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang “availability at sustainable management” ng water resources sa bansa.     Sa ilalim ng  Executive Order No. […]