• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, inalala na binalaan si Sen. Imee: Personal na huhukayin ang labi ni Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea

SINABI ni Vice President Sara Duterte na minsan na niyang binalaan ni Sen. Imee Marcos na personal nitong huhukayin ang labi ng ama ng senadora na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at itatapon ito sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi titigil ang mga ito sa sinasabing political attacks.

 

Matatandaang, pinayagan ng ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ang paglibing sa namayapang diktador Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, isang desisyon na nagpasiklab ng protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

“Isang beses sinabihan ko talaga si Sen. Imee, sabi ko pag di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay nyo, itatapon ko sya sa West Philippine Sea. One of these days pupunta ako don, kukunin ko yang katawan ng tatay nyo, tapon ko yan don sa West Philippine Sea,” ang sinabi ni VP Sara.

 

“I don’t think sumagot sya. Nandon pa yon sa group chat, merong mga nakakita na ibang tao,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, inakusahan naman ni VP Sara ang administrasyong Marcos na pilit siyang ginagawang pulutan sa “PR attack,” tinukoy ang House probe sa di umano’y maling paggamit ng pondo.

 

Sinabi ni VP Sara na dapat nang tigilan ni Pangulong Marcos ang paggamit sa kanyang pangalan.

 

“Pwede ba ‘pag nakita niyo siya (Marcos), sabihin niyo sa kanya, ‘Alam mo, don’t ever mention her name’… Pwede naman siguro tumahimik na lang,” ani VP Sara.

 

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga Marcoses sa bagay na ito. (Daris Jose)

Other News
  • Operasyon sa Manila North Port Passenger Terminal, balik operasyon na

    BALIK NA muli sa normal ang operasyon ng Manila North Porth passenger Terminal ngayong araw.       Ito ay matapos alisin na ng mga otoridad ang itinaas na storm signal warning sa buong Metro Manila nang dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.       Sa ulat, aabot na sa […]

  • Djokovic makakakuha ng visa para sa 2023 Australian Open

    Ang dating world number one na si Novak Djokovic ay bibigyan ng visa para maglaro sa 2023 Australian Open, sinabi ng mga ulat ng lokal na media noong Martes, sa kabila ng kanyang deportasyon mula sa bansa bago ang torneo ngayong taon sa Enero.   Nagpasya ang gobyerno ng Australia na bigyan ng visa ang […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 12) Story by Geraldine Monzon

    DAHIL sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ni Angela ay nagka-idea si Roden na posibleng ito ang maging daan para matutuhan siyang mahalin ni Angela. Kung magkakaanak sila ay magiging isang pamilya na sila at makakalimutan na ng babae ang kanyang nakaraan. Kaya nang gabi ring iyon ay gusto na ni Roden na umpisahan ang […]