Hamon ng mga Kongresista… VP Duterte ipaliwanag ‘under oath’ confidential funds, renta sa safehouses
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
HINAMON ng mga Kongresista si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ‘under oath’ kung saan ginasta ang milyon-milyong confidential funds at sobrang mahal na renta ng mga safehouses na walang mga dokumento.
“We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safehouses in less than two weeks. The public has a right to know why P16 million of their money was spent so dubiously,” ayon kay House Assistant Majority Leader Paolo Ortega.
Ipinunto ni Ortega na ang hindi pagbigay ni Duterte ng malinaw na mga sagot tungkol sa mga safehouse at ang kahina-hinalang paggamit ng mga aktibidad ng AFP bilang pangtakip ay lalong nagpapa-init sa tanong kung sana napunta ang pondo. Binigyan diin ng mambabatas ang kahalagahan na humarap na si Duterte sa pagdinig, manumpa na magsasabi ng totoo at ihayag kung papaano nito ginastos ang pondo.
Sa pinakahuling pagdinig ng Committee on Good Government ay nabuking na ginamit ng DepEd sa ilalim noon ni Duterte, ang sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang palitawin ang paggastos ng P15 milyong halaga ng confidential funds sa Youth Leadership Summit (YLS) pero sa testimonya ng mga opisyal ng militar, inilahad ng mga ito na kanya-kanyang gastos at zero o walang ibinigay na pondo para dito si VP Sara.
“This is not just about accounting errors; this is deception. Using the military to cover up the improper use of confidential funds is an egregious act,” saad pa ni Acidre.
Bukod pa rito, siniyasat din ng komite ang paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng P16 milyon para sa renta ng mga safehouse sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. Ilan sa safehouses ay nagkakahalaga ng P90,000 kada araw habang meron ding P1 milyon. (Daris Jose)
-
In seismic shift, Warner Bros. to stream all 2021 films
In the most seismic shift by a Hollywood studio yet during the pandemic, Warner Bros. Pictures on Thursday announced that all of its 2021 film slate — including a new “Matrix” movie, “Godzilla vs. Kong” and the Lin-Manuel Miranda adaptation “In the Heights” — will stream on HBO Max at the same time the films […]
-
Dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka, hiling ng LTO sa susunod na administrasyon
HUMILING ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka. Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo. Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary […]
-
DA, tiniyak ang mas maraming tulong matapos na sumirit sa P3-bilyon ang pinsala sa agrikultura
MINAMADALI na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos na umabot sa P3 bilyon ang pinsala na dulot ng Tropical Storm Agaton. Sa Laging Handa public briefing, tinukoy ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na ang DA ay nakapag-secure na ng five assistance deliveries sa […]