• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng cremation sa Tugatog Cemetery, binuksan ng Malabon LGU

PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang muling pagbubukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery upang bigyang-daan ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak sa libingan bilang bahagi ng paggunita ng All Saints Day and All Souls Day o Undas 2024.

 

Nagsagawa ng Banal na Misa ang lokal na pamahalaan para sa kaluluwa ng mga namatay na inidibidwal na nakalibing sa TPC at sinimulan din ng libreng cremation ng mga buto ng mga labi na hinukay para sa muling pagpapaunlad ng sementeryo.

 

Unang nagtungo si Mayor Jeannie sa TPC para alamin ang alalahanin at mensahe ng mga pamilyang humiling ng libreng cremation ng kanilang mga namatay na kaanak at tiniyak din niya na patuloy silang magsasagawa ng mga programa at proyekto para sa mga nakalibing sa sementeryo.

 

“Hindi po namin pababayaan ang inyong mga mahal sa buhay na yumao at inilibing dito sa Tugatog Public Cemetery bago pa man simulan ang pagsasaayos nito noong 2021. Itong libreng cremation na ating inilapit sa kanilang mga pamilya ay isa sa mga paunang serbisyong ating maibibigay para masiguro na nasa maayos na kalagayan ang mga labi at magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga puso. Wala ho kayong babayaran, makipag-ugnayan lang po sa ating pamahalaang lungsod. Alam natin na matagal nang naghihintay ang mga Malabueño na mabisita at makapagdasal para sa kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay na nasa sementeryo na ito,” ani Mayor Jeannie.

 

“Ngayon na malapit na ang Undas ay ating sinikap na mabuksan ito kahit na maraming pang kailangan tapusin sa lugar simula ng i-redevelop ito. Nagkaroon ng mga alalahanin ang mga residente ukol sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit ating tinutukan ang mga pagsasaayos sa lugar simula ng tayo ay manungkulan bilang alkalde ng Malabon. Kahit parte lamang ng sementeryo ang maaring buksan para sa darating na Undas ay sinisiguro nating ligtas, malinis, at kaaya-aya ang lugar upang maayos na makapagdasal ang mga Malabueño sa kanilang mga mahal sa buhay na nandito,” dagdag niya.

 

Nauna rito, namahagi ang pamahalaang lungsod ng consent forms sa mga pamilyang gustong maka-avail ng libreng cremation ng mga labi ng kanilang mga yumaong kaanak sa TPC. Nagbigay din sila ng mga opsyon sa ibang pamilya kabilang ang paglipat ng mga buto sa ossuary ng TPC o sa iba pang mga sementeryo o columbaria.

 

Ibinahagi ng City Health Department-Sanitation Division na ang mga pamilya ng mahigit 500 namatay na Malabueño ay nakipag-ugnayan sa kanila para makuha ang libreng cremation package na kinabibilangan ng urn, bulaklak, kandila, bulaklak, pagdadala ng mga labi sa crematorium at iba pang bayad sa sementeryo.

 

Noong Linggo, Oktubre 12, siniyasat ni Mayor Jeannie ang TPC upang matiyak na ang lugar, ang ossuary at columbarium, at ang Wall of Remembrance para sa paghanhanda sa muling pagbubukas ng sementeryo.

 

Nagsagawa rin ang mga miyembro ng CED at CENRO ng repainting ng columbarium, pagkukumpuni ng imprastraktura, landscaping, at paglilinis ng mga palumpong sa TPC para sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day. Naglagay din ng mga portal, water station, at sanitizer para sa kalinisan at kaligtasan ng mga bisita.

 

Tiniyak ng pamahalaang lungsod sa mga residente na ang mga bangkay ng mga namatay na hinukay sa paunang yugto ng muling pagpapaunlad ng TPC ay ligtas at inalok ng tulong para sa libreng cremation at ilipat sa ossuary o iba pang mga sementeryo nito. Nagtatag din ito ng action center upang magbigay ng tulong sa mga bisita sa paghahanap ng mga niches/vault sa columbarium o ossuary kung saan inilagay ang mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay, at mapanatili ang kalinisan, kapayapaan, at kaayusan sa lugar. pagtatayo ng dalawang palapag na gusali na may humigit-kumulang 600 apartment tombs/niches para magdagdag ng espasyo para sa libing ng mga namatay na Malabueño.

 

“Noong 2021 po nang pansamantalang isara ang Tugatog Cemetery dahil sa redevelopment na sinimulan rito, at alam po namin ang hinaing ng mga Malabueño na masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga labi ng kanilang mga minamahal,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • Ex-KOJC member idinetalye dinanas na sexual abuse kay Quiboloy

    PERSONAL na nagharap kahapon sa pagdinig ng Senado sina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at ilan sa mga nag-aakusa sa kanya ng iba’t ibang krimen kabilang ang sexual abuse.     Unang pinakinggan ng komite na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ang magkakahiwalay na testimonya ng tatlong babae na nagsabing seksuwal silang […]

  • Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon

    LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto.     Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar.     Sa […]

  • Siya ang tinutukoy na new host ng ‘Face 2 Face’: KORINA, kayang-kaya na pagharapın at pag-ayusin ang may hidwaan

    HALOS kinumpirma na ng mga netizen kung sino ang “K” na pinahuhulaan sa TV5 na magiging host ng “Face 2 Face” na hino-host ni Karla Estrada, ay Korina Sanchez na at wala nang iba pa.   Matatandaang umere muli ang “Face 2 Face” last May 2023. Ang mga naunang hosts nito ay sina Amy Perez […]